top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

MOVIE NI RODERICK, NAGKAROON NG PROBLEMA KAYA 'DI MAIPALABAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 5, 2023



Present sa successful grand opening ng Limbaga77 restaurant sa first level ng Garden Area ng TriNoma Mall recently ang aktres na si Sylvia Sanchez na nagsilbing special guest ng mga owners na sina Rex Tiri at Sonny Fortuna.


Dumating din ang iba pang artista gaya ni Julia Barretto at co-star and director ng bagong movie niya sa Viva Films.


Ang bagong bukas na Limbaga77 sa TriNoma Mall ay ang ikalawang branch ng resto nina Sir Rex at Sir Sonny.


Ayon kay Sir Sonny, two months ang ginawa nilang paghahanda para sa opening ng Limbaga77 sa TriNoma Mall.


“Ah, pagdating sa menu, same lang din kasi siyempre, gusto naming madala sa mall at mapalapit sa customer namin ‘yung traditional at trademark ng Limbaga,” lahad ni Sir Sonny.


Say naman ni Sir Rex, “Tried and tested na rin kasi ang mga pagkain namin sa Limbaga77 at marami roon, mga bestsellers namin lahat, dinala namin dito sa mall.”


Natawa sila when we asked. kung may plano ba silang kumuha ng celebrity endorser para sa Limbaga77.


“Bakit hindi?” say ni Sir Rex. “Puwede rin ‘yun lalo na kapag dumami pa ang branches namin. Puwede naman.”


Kilala rin si Sir Rex bilang may-ari ng movie production na TRex Films. Tinanong namin si Sir Rex kung ‘di na ba niya priority ang pagpo-produce?


“Hindi naman…hindi naman,” mabilis na sagot niya. “We still have one film, 'yung kay Roderick (Paulate).”


Ang tinutukoy niya ay ang pelikulang Mudrasta na pinagbibidahan ni Roderick sa direksiyon ni Julius Alfonso.


“Meron kaming ginagawa ngayon na parang tweak lang doon sa 18th (year) namin (TRex Films).


Meron kasi kaming pinaplano but we will announce it in a few days.”


Sa kasagsagan ng pandemya ay lumabas ang desisyon ng korte sa kasong graft at falsification of public documents na isinampa kay Roderick bilang konsehal sa Kyusi.


“Right now, we are hoping for the best. Hindi ako aware sa kaso niya. But ang sinabi lang sa amin was ia-appeal ang kaso and I think there’s still a process du'n sa pag-appeal na ‘yun.


Ah, it is just unfortunate that it happened but hopefully, maayos din ‘yun.”


Ang pagbaba ba ng desisyon ng korte sa kaso ni Roderick ang dahilan sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng Mudrasta?


“Hindi naman,” tanggi ni Sir Rex. “Naging rason lang talaga because of pandemic. Nagkaroon ng pandemic, kasi plano na sana naming ipalabas siya noon pa.


“Natapos naman siya before pandemic, during pandemic, pero 'yun nga, nagkaroon kami ng problema. Again, sa mga susunod na araw, ia-announce namin kung ano ang plano namin sa film.


Kasi magkakaroon ng konting pagbabago doon sa film production.


“Pag-uusapan kung ilang films ang gagawin namin this year. Very exciting ‘yung mga gagawin namin. At hindi lang kami sa film, pati sa iba pa."


Big smiles naman si Sir Rex when we mentioned na pasukin na rin kaya niya ang streaming.


Going back to Mudrasta, walang official statement si Sir Rex sa amin kung maipapalabas na this year ang movie ni Kuya Dick. Hintayin na lang daw ang kanilang announcement in due time.


“Yes, cinema is an option but there are other things we’re doing right now,” pagtatapos ni Sir Rex.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page