Movie naman daw kasama si Bea... SITCOM NI JOHN LLOYD SA GMA-7, BABU NA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 29, 2022

Nagtatanong ang mga fans ni John Lloyd Cruz kung ano ang susunod niyang show sa GMA-7 dahil naka-announce na season finale na ng sitcom niyang Happy ToGetHer this Sunday.
Habang naghihintay ng panibagong season, ano raw at saang show nila mapapanood si JLC?
Nabalitang gagawa ng pelikula sa GMA Pictures sina JLC at Bea Alonzo at naalala naming nabanggit ni Bea sa interview sa kanya na sa kanyang pagbabalik mula sa bakasyon sa Spain, pelikula naman ang kanyang isu-shoot.
Nabanggit nitong may offer na movie sa kanya ang GMA Pictures, pagtatambalan nila ni JLC, kaya tanong ng mga fans, reunion movie na ba nila ni JLC ang kanyang gagawin?
Abangan na lang daw ang announcement ng GMA Pictures, kaya waiting ang fans.
Nasa bakasyon pa rin yata si JLC kasama ang rumored GF. Hintayin natin at baka sa kanyang pagbabalik, may announcement din siya ng kanyang next project.





Comments