top of page
BINI Gwen.jpg

Motor sinalpok ng bus, estudyante todas

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | October 28, 2026



Motor sinalpok ng bus, estudyante todas

Photo: File



Nasawi ang 20-anyos na college student matapos mabangga ng pampasaherong bus ang minamaneho niyang motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Panikihan, Gumaca, Quezon nitong Martes.


Ayon sa Quezon police, nangyari ang insidente alas-12:35 ng hatinggabi habang bumibiyahe ang biktima. Patungong Bicol naman ang bus nang makasalpukan nito ang motorsiklo. 


Nag-overtake umano ang bus sa isa pang sasakyan at napunta sa kabilang linya bago ang banggaan. 


Dinala sa kustodiya ng pulisya ang driver ng bus, na mahaharap sa kaukulang kaso.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page