Motor, nadaganan ng trak... Tatay at beybi patay, nanay sugatan

by Jeff Tumbado @News | October 28, 2026

Photo: Ang dump truck na may kargang buhangin na tumagilid sa kanto ng Luzon Ave. at Congressional Ave., Brgy. Culiat, Quezon City, kung saan nasawi ang isang ama at 11-buwang gulang na sanggol. (Jeff Tumbado)
Nasawi ang isang 42-anyos na ama at ang kanyang 11-buwang-gulang na anak matapos silang madaganan ng tumagilid na dump truck na may kargang buhangin, malapit sa interseksyon ng Luzon Avenue at Congressional Avenue sa Brgy. Culiat, pasado alas-12 ng hatinggabi.
Ayon kay Police Major Jennifer Gannaban, idineklarang patay ang rider alas-2:23 ng madaling-araw, habang binawian naman ng buhay ang sanggol alas-4:55 ng madaling-araw.
Nananatili naman sa ospital ang 31-anyos na kinakasama ng rider at ina ng sanggol dahil sa tinamong bali sa mga binti.
Nasa kustodiya na ng QCPD ang 29-anyos na driver ng dump truck at ang kanyang pahinante.
Nawalan umano ng preno ang trak habang naghahatid ng buhangin mula Pampanga pa-Quezon City hanggang sa tumagilid at nadaganan ang motorsiklo kung saan sakay ang mag-anak.





Comments