Mother Ricky at Renee, pinatutsadahan… SIGAW NG NETIZEN: VICE, NEXT WILLIE, GUSTO LAGING TAMA
- BULGAR

- Jul 1
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 1, 2025
Photo: Vice Ganda - IG
Nakakaintriga pala ang love story ng kasama ni Vice Ganda na host sa It’s Showtime at lider ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz.
Ikinuwento ni Teddy ang love story nila ng misis niyang si Jasmin kay Karen Davila sa latest vlog ng news anchor sa kanyang YouTube (YT) channel.
“Nu’ng na-meet ko ‘yung wife ko, alam n’yo ‘yun, parang kung sino ‘yung ma-meet ko, gusto ko, s’ya na ‘yung papakasalan ko. Wala akong ‘yung parang dating-dating muna,” simula ni Teddy.
Nakilala ni Teddy si Jasmin sa birthday party ng dati niyang bandmate.
“Pagpasok nila nu’ng friends niya, siguro mga 4 o 3 sila, s’ya lang ‘yung parang naggo-glow... Uy! parang ‘Sino ‘yun?’” sabi ni Teddy.
Kinuha niya ang number ni Jasmin at kinabukasan, naging sila na.
Aniya, “After a week, sabi n’ya sa akin, ‘Alam mo, may ‘di ako sinasabi sa ‘yo. Aalis na ako. Pupunta ako ng States.’”
Sagot ni Teddy kay Jasmin, “‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Kasi alam mo ‘yung fiancé visa, para sa visa.’”
Nakaisip ng proposition si Teddy kay Jasmin.
“‘Sige, ganito na lang, since one week pa lang tayo, hindi pa ganu’n kalalim, delete ko ‘yung cellphone number mo, delete mo ‘yung cellphone number ko, ‘wag na tayong magkita. Pero kung mahal mo ako at hindi mo naman mahal ‘yung papakasalan mo ru’n, sa akin ka sasama.’ Tapos, sabi niya, ‘Sa ‘yo ako sasama,’” lahad ni Teddy.
Nagtanan sila at after a few days ay nalaman na ng mommy ni Jasmin na nagde-date na sila.
“Tapos, after a few days, nalaman na nu’ng mom n’ya na meron na s’yang idine-date, na kami na. Sabi n’ya, ‘Babe, nalaman na ng mom ko, ini-lock na ‘yung gate namin.’ Pupunta na s’ya ng America, eh.
“Nasa Marikina gig kami, Rocksteddy, (sabi ko sa kanya), ‘Sige, after gig, balutin mo na ‘yung gamit mo, pupunta ako sa inyo, magtatanan tayo. After gig, susunduin kita.’ Kaya kasama ko ‘yung bandmates ko, kasi isang kotse lang kami. So sinundo namin s’ya,” kuwento pa ni Teddy.
Hanggang sa nagpakasal na sila. Feeling kasi ni Teddy, kapag bumalik si Jasmin sa bahay nito ay tuluyan na siyang ilalayo ng parents niya sa singer-host.
Nagpakasal sina Teddy at Jasmin 2 weeks after nilang magkita for the first time.
Pero hindi roon natapos ang kuwento. Nag-renew ng vow sina Teddy at Jasmin during the live telecast ng IS noong October 2017. That was their 11th wedding anniversary.
Halos kasabay din ng taon sa pagkuha kay Teddy bilang isa sa mga hosts ng It’s Showtime.
PAGKATAPOS ng kontrobersiyal na pahayag ng mga gay icons na si Mader Ricky Reyes at fashion guru na si Renee Salud, nagpakawala rin ng makahulugang statement ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda ukol sa pribilehiyo ng isang LGBTQIA+ member sa ginanap na LOV3LABAN Pride Festival last Saturday, June 28.
Binigyang-punto ni Vice sa kanyang speech sa Pride event ang kahalagahan ng pribilehiyo at responsibilidad.
Pahayag ni Vice, “Kung tutuusin, may pribilehiyo na ako, eh. Pero hindi porke’t may pribilehiyo ka, eh, iiwanan mo na ‘yung mga kasamahan mo na hindi nakakatanggap n’yan.
“Hindi porke’t matanda ka na at may pera ka na, iiwanan mo ‘yung mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyong nakukuha mo… Dahil ‘yung pribilehiyo ngayon ay hindi dapat maging pribilehiyo mo lang. Dapat maging karapatan ‘yan ng bawat isa.”
Marami agad ang nakaramdam na tila patama ni Vice ang kanyang mga sinabi sa nag-viral na statements nina Mader Ricky at Renee.
Sa huli ng kanyang speech, nagbitiw ng pangako si Vice sa kanyang mga kasamahan sa LGBTQIA+ community.
Huling sey niya, “Kaya nandito ako. Tumanda man ako at saanman ako makarating, sasamahan ko kayo. Hindi ko po kayo iiwanan.”
May mga umayon sa sinabi ni Vice sa social media.
Sey nila, “This is why Vice is the true golden gay icon of the Philippines. Renee Salud and Ricky Reyes, they could’ve done something for the community, but they simply empowered the hatred against LGBTQIA+ community.”
“Thank you, Vice. Not thank you na lang sa mga tanders na maraming self restrictions na gusto imposed sa iba ang paniniwala nila.”
“Matatandang walang pinagkatandaan.”
Pero meron din namang nang-bash kay Vice sa pagtalak niya kina Mader Ricky at Renee.
“Vice Ganda is the next Willie Revillame. Ang taas ng lipad n’ya, gusto n’ya, s’ya lagi ang tama. Papunta ka pa lang, Vice, pauwi na si Ricky Reyes at Mama Renee...”
“Bakla ako at ako’y dukha pero kapanig ako du’n sa mga matatandang tinutukoy ni Vice… ‘Wag na tayong mag-asam ng ‘di naman natin kailangan. Tama na ‘yung ma-recognize tayo at irespeto pero ‘yung beyond na, na ultimo ‘yung sagradong kasal, eh, inaasam pa natin, please, hayaan na natin ‘yun sa str8 (straight).”
“Sorry, Vice. Kay Mother Ricky at Renee Salud ako. Mas gusto ko ‘yung POV nila.”
So, there.










Comments