Most hated kontrabida sa 'Pinas… MCCOY, MINUMURA SA GINAWA KAY YUKII
- BULGAR
- Aug 28, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 28, 2024

Ibinahagi ni Yukii Takahashi ang final moments niya sa FPJ's Batang Quiapo (BQ) bilang si Camille Liezel dela Cruz.
Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ng manonood ang trahedyang inabot ni Yukii sa kamay ni McCoy de Leon bilang si David. Shocked ang mga viewers sa heartbreaking fate ni Yukii sa kanyang tragic ending. Binugbog na ni David, ‘di pa nakuntento, pinatay pa siya, gayung mula sa umpisa ay nabuntis na siya ni David.
Pero dahil binugbog, namatay ang baby sa kanyang sinapupunan at para walang makaalam sa sikreto ni David, pinatay na rin siya.
Alam n'yo bang si McCoy ngayon ang kinikilalang "nation’s most hated villain" dahil sa role niya sa BQ?
Sa Instagram (IG) ni Yukii ay nag-share siya ng behind-the-scenes snaps, kung saan siya ay nasa hospital.
Aniya sa caption, “Die beautiful.”
Biro nga kay Yukii, "‘Forever’ pregnancy."
Dagdag niya, “Grateful to have worked with a co-actor as talented as you @mccoydeleon.
“Camille Castillo is signing off.”
Ayon naman kay McCoy, “Ikaw ‘yan, pinaghirapan mo ‘yan. Congrats! Galing mo!”
Sa ginawa ni David kay Camille, maraming mga viewers ang naapektuhan kaya ipinoprotesta nilang tanggalin o patayin na ang karakter ni McCoy.
Sey ng mga netizens, “@mccoydeleon Crush kita pero minumura kita, David. Hindi ko matanggap ang ginawa mo kay Camille.”
“Kuha mo gigil namin, David.”
Dahil ginalingan ni McCoy, marami na ang may galit sa kanya. Napaka-intense naman kasi talaga ng ginawa niya kay Camille.
Nasa Seoul ngayon ang nation’s girl group na BINI para mag-perform at tumanggap ng award bilang Voices of Asia sa Billboard K Power 100 sa South Korea na naka-schedule kahapon.
Excited ang walong miyembro ng BINI na sina Mikha, Stacey, Maloi, Sheena, Jhoanna, Colet, Gwen, at Aiah — hindi lang para tumanggap ng award mula sa Billboard Korea kundi para rin makilala at mapanood ang mga biggest pop stars ng South Korea.
“Fangirling nang malala,” ani Gwen.
“We are happy and excited kasi we are one of those na magre-represent ng P-Pop at ng Pilipinas. Excited na kami,” sey naman ni Jho.
Si Colet ay um-agree, “Kinikilig po, ‘yun po ‘yung pinag-uusapan namin kanina.”
Dapat nga raw ay kakantahin ng BINI Girls ang Cherry on Top, pero ang mga fans ay nag-rally online na ang kantahin nila ay Pantropiko. Hindi naman in-assure ng grupo kung ano ang kanilang ipe-perform, dahil ayon kay Gwen, “Pinaghandaan namin ‘to, and it’s meant to be a surprise.”
Ganern?!
NASASABIT ang pangalan ni Direk Joel Lamangan sa post ni Ahron Villena sa kanyang Instagram (IG) na biktima rin umano siya ng sexual harassment ng isang direktor.
Direkta kasing pinangalanan ni Darryl Yap ang direktor, kahit na hindi naman nag-name drop si Ahron.
Ayon kay Ahron, na-harass siya ng isang direktor noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Nakasama raw siya sa isang proyekto nito. Walang binanggit na pangalan ang aktor sa kanyang post.
Ini-reshare ni Darryl ang post, pero isinama niya ang pangalan ni Direk Joel, ang tinutukoy umano sa nasabing post.
Matagal nang may hidwaan ang dalawang direktor dahil sa kanilang magkatunggaling pananaw sa pulitika at pelikula.
Katunayan, gusto raw i-tag ni Darryl si Direk Joel sa post ni Ahron, pero nai-unfriend na raw siya ng direktor noong 2022, kaya’t hindi na niya ito mai-tag sa kanyang post.
Mukhang hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang direktor hanggang ngayon.
Ayon kay Ahron, na-trigger siyang ibahagi ang kanyang karanasan dahil sa mga pahayag ng isang direktor sa isang panayam. Nagsalita umano ito tungkol sa mga karaniwang insidente ng mga artista na nagpapalakas ng kanilang career sa pamamagitan ng pakikisama sa mga gays na may kapangyarihan sa industriya.
Comments