top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Morris, Curry, Westbrook at Fox, angat na angat

BULGAR
Mar 30, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 31, 2021




Depensa na may halong matinding opensa ang susi ng tagumpay ng Los Angeles Clippers sa bisitang Milwaukee Bucks, 129-105, sa tapatan ng dalawang koponan na nasa ikatlong puwesto ng kanilang mga conference sa NBA kahapon mula sa Staples Center. Apat na Clippers ang nagtala ng 20 o higit na puntos para sa kartadang 32-16.

Namuno si Marcus Morris Sr. sa 25 puntos at sinundan ni Kawhi Leonard na may 23. Sumama sa buhos ng puntos sina Luke Kannard na may 21 at Reggie Jackson na may 20 sa kabila ng biglaang pagliban ni All-Star Paul George dahil sa masakit na paa.

Pinalakas ng Utah Jazz ang kapit nila sa pagiging numero uno sa buong NBA matapos gibain ang bisitang Cleveland Cavaliers, 114-75. Bumida ang tatlong All-Star na sina Donovan Mitchell sa kanyang 19 puntos at Mike Conley Jr. at Rudy Gobert na parehong may 18 puntos habang humakot ng 17 rebound si Gobert.


Parang walang nangyari sa gulugod at bumalik sa aksyon si Stephen Curry matapos ang limang laro at inangat ang Golden State Warriors sa Chicago Bulls, 116-102. Pumukol ng anim na tres si Curry bilang bahagi ng 32 puntos sa 30 minuto at tinulungan ni Andrew Wiggins na may 21.

Isinalba ng tig-dalawang free throw nina sa huling minuto nina James Harden at Kyrie Irving ang Brooklyn Nets kontra sa kulelat pero pumalag na Minnesota Timberwolves, 112-107. Triple double si Harden na 38 puntos, 11 rebound at 13 assist at sinundan ni Irving na may 27.

Hindi nagpadaig si Russell Westbrook at halimaw ang kanyang triple double na susi ng panalo ng Washington Wizards sa biglang tumirik na Indiana Pacers, 132-124. Ibinuhos ni Russell ang 17 ng kanyang 35 puntos sa fourth quarter na may kasamang 14 rebound and 21 assist habang may 26 puntos si Rui Hachimura upang takpan ang pagliban ni Bradley Beal dahil sa binabalakang ito.

Ipinakita ng Sacramento Kings bakit isa sila sa mainit na koponan ngayon at tinalo ang San Antonio Spurs, 132-115, para sa kanilang ika-limang sunod. Nagtala ng 24 puntos si De’Aaron Fox at double-double si Richaun Holmes na 23 puntos at 12 rebound.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page