top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Moon River, sakalam sa 3-YO Maiden Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2023
1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 7, 2022


Inilampaso ni Moon River ang mga nakatunggali sa 3-Year-Old & Above Maiden race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Halos hindi nahirapan si Moon River dahil umabot sa 10 kabayo ang kanyang lamang nang tawirin nito ang meta.


Pang-apat sa largahan si Moon River, subalit pagsapit ng far turn ay unti-unti na itong lumapit sa nangungunang Fire Fly kasabay si My Diamond. At pagdating ng huling kurbada ay iniwanan na ni Moon River si My Diamond kaya naman solo na ito sa unahan sa rektahan.


Nirendahan ni jockey EA Abrea, nagwagi si Moon River ng may 10 kabayo ang agwat sa pumangalawang Super Easy habang tumersero si My Diamond.


Inirehistro ni Moon River ang tiyempong 1:25.6 minuto sa 1,400 meter race, pag-aari ito ni Benjamin Abalos Jr.


Samantala, tiyak na inaabangan ng mga karerista ang siyam na nominadong kabayo sa 3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Enero 22 sa pista ng Metro Turf.


Ang mga nagsaad ng pagsali sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Diamond Story, Distant Thunder, Diversity, Domsat Seven, Going East, Maka Green, Mendel Bell, Sandigan at Take A Chance. Paglalabanan ang P1.2-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page