top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Monasteryo, 2 beses binomba, 14 todas

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 24, 2026



Ang monasteryo sa Myanmar na tinamaan ng military airstrike - Ko Nway Oo via AP

Photo: Ang monasteryo sa Myanmar na tinamaan ng military airstrike - Ko Nway Oo via AP



Nasawi ang 14 katao sa military airstrike sa isang monasteryo sa Myanmar nitong Biyernes ng umaga, ayon sa mga mandirigmang oposisyon at isang lokal na rescue worker.


Pawang matatanda ang mga nasawi, habang ilang monghe naman ang sugatan. Ayon sa rescue worker, dalawang beses binomba ang lugar.


Naganap ang pag-atake bandang alas-9 ng umaga sa Myaung township sa Sagaing region, 70 kilometro (47 milya) sa kanluran ng Mandalay, ayon sa AFP.


Naiulat na nagtipon sa monasteryo ang mga sibilyan para sa isang meditation retreat bilang paggunita sa Buddhist Lent. Kabilang sa mga nasawi ang 11 lalaki at tatlong babae, na nasa edad 50 hanggang 70.


Isang mandirigmang oposisyon na tumulong sa rescue operation ang nagsabing muling binomba ng mga eroplano ang lugar habang hinahanap nila ang mga nakaligtas.


Nasa gitna ng digmaang sibil ang Myanmar mula nang agawin ng militar ang kapangyarihan noong 2021 at patalsikin si Aung San Suu Kyi. Wala pang pahayag ang militar tungkol sa pinakahuling pag-atake.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page