top of page

Mommy Divine, out pa rin… SARAH, NAKASAMA NA ANG DADDY DELFIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 20, 2026



BIDA - SARAH, NAKASAMA NA ANG DADDY DELFIN-FB Sarah Geronimo

Photo: FB Sarah Geronimo



Masayang masaya ang mga fans ng Popstar na si Sarah Geronimo na makita siyang kasama ang ama niyang si Daddy Delfin sa Tecno Camon 50 Earth Run 2026 na ginawa sa SM Mall of Asia (MOA) kahapon. 


Matagal nang hinihintay ng mga fans ni Sarah ang mga ganitong eksena at finally ay nangyari na.


May photo na magkasamang naglalakad ang mag-ama at hawak ni Daddy Delfin ang leash ng fur baby ni Sarah na si Niña. May photo pa na nasa likod ni Sarah ang ama habang yakap niya ang kanyang fur baby. Kita sa mukha ni Sarah ang saya sa araw na ‘yun.


Tanong ng mga fans, kailan kaya makikita si Sarah na ang ina na si Mommy Divine naman ang kasama? Kapag nangyari ‘yun, hindi lang iiyak sa tuwa ang mga fans, baka humagulgol pa sa tuwa at saya para kanya.


Mas maganda raw kung makakasama ni Sarah Geronimo ang mga magulang at ang mister na si Matteo Guidicelli para lubos ang tuwa ng Popstar.





Spotted uli sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala, hindi lang nabanggit kung saan sila nakunan ng video. 


Dahil magalaw ang camera at blurred ang kuha sa dalawa, may mga ayaw maniwala na sina Kathryn at Mark ang nasa video.


Pero alam mong silang dalawa ang nasa video. Pasaway lang ang mga in denial na ayaw pa ring maniwala na may bago nang mahal ang aktres. Hindi raw si Kathryn ang nasa video dahil nasa Bhutan pa ito. 


Ang tagal na nilang nakabalik mula sa kanilang vacation, ano ba?

As usual, may nagsabi pang maniniwala lang sila kapag malinaw na ang video. 

May naniniwala namang AI (artificial intelligence) ang photo at tuloy sila sa paniniwalang sina Kathryn at Daniel Padilla pa rin ang endgame.





Secret lang daw muna para walang makialam…

PAULO, SA PARIS DAW NAG-PROPOSE KAY KIM



KUNG ang mga KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang paniniwalaan, engaged na ang dalawa. Sa Paris, France raw naganap ang proposal ni Paulo dahil dream place ‘yun ng aktres. Kaya raw nasa Paris din ang siblings ni Kim ay dahil sa proposal ni Paulo.


Ito ‘yung time na nasa Paris si Paulo sa shooting ng movie nila ni Nadine Lustre at naroon din si Kim dahil kumuha ng short course. Itinatago raw muna ng dalawa ang proposal ni Paulo para walang makialam at walang makapagtanong.


Tuwang-tuwa ang KimPau fans sa balitang ito at may mga nag-wish na next year na sila magpakasal. 


May nag-congratulate na rin sa dalawa, sabay comment ng “My heart is so happy right now, sana totoo na ‘to road to forever,” “Manifesting wedding bells for KimPau,” at “Sana ikasal na sila para magkaroon na sila ng anak.”


May mga naghahanap na nga ng engagement ring kay Kim, dapat daw suot niya ‘yun, at may mga nagpayo naman na huwag pangunahan ang dalawa at huwag madaliin. Hayaan daw munang i-enjoy nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kanilang relasyon at kilalanin pang mabuti ang isa’t isa.





THIS Monday na mapapanood si Eman Bacosa Pacquiao sa Never Say Die (NSD). May teaser na ipinakita sa last Friday’s episode ng series. 


Ang eksena, nasa boxing ring si Eman, may tumawag sa kanya na hindi ipinakita, pero si Jillian Ward daw ang tumawag.


Kaya kinilig ang mga shippers nina Jillian at Eman na finally, mapapanood na sila sa nasabing action series. 


Tonight pa lang malalaman sa story kung bakit magkakilala sila at kung bakit kay Eman hihingi ng tulong ang karakter ni Jillian.


At speaking of Jillian, balitang isa siya sa magiging judges sa first edition ng The Clash Teens (TCT) ng GMA-7, pero may mga nag-react na. Bakit daw si Jillian ang napili ng GMA na mag-judge, hindi naman siya singer? 


May nagsabing dapat si Zephanie ang kinuhang judge o kaya ay ibang singer na talent ng network.


Kung may basher, marami rin ang nagtanggol kay Jillian. Hindi man daw siya kilalang singer, pero maganda ang boses nito at marunong siyang kumanta. Naniniwala rin ang mga fans ni Jillian na kaya siya kinuhang judge sa nasabing singing competition ay dahil bahagi ito ng pagbi-build-up sa kanya.


Pansinin daw na sunud-sunod ang projects ni Jillian sa GMA at after Never Say Die, kasama siya sa cast ng Behind Closed Doors (BCD) ni Marian Rivera. 


Nabalita ring kabilang siya sa cast ng 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Dennis Trillo. Patunay daw ito na ipinoposisyon na siya ng network to be a big star.

Pagtatanggol pa ng mga fans ni Jillian Ward, time na nito to shine at total package siya – maganda na, versatile pa at magaling kumanta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page