top of page

MOMMY DIVINE, KINASUHAN NA SA DOLE NG DATING DRIVER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 20, 2022



May bagong update si Ogie Diaz tungkol sa nagrereklamong empleyado ng nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.


Matatandaang sa vlog din ni Ogie unang nagsalita ang empleyado at inirereklamo niya ang pamamalakad ni Mommy Divine sa kanilang mga tauhan tulad ng hindi bayad ang 31st ng buwan, walang overtime pay, walang double pay, delayed ang sahod, hindi nagbabayad ng government mandated benefits, ginigising ang tao kahit oras ng pahinga para lang magbaba ng dala niya, pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok nang paulit-ulit at ulo ng manok at marami pang iba.


Ayon sa follow-up story ni Ogie sa kanyang vlog with Mama Loi and Dyosa Pockoh na in-upload kahapon, tinuluyan na raw ng tauhan ang nanay ni Sarah at nagsampa na ng kaso sa DOLE (Department of Labor & Employment).


Sa palitan ng mensahe ng tauhan at ni Mama Loi, naikuwento nga raw nito na nag-file na siya ng reklamo.


“Nag-file na siya ng parang complaint or parang assistance, parang 'pag sa DOLE yata, 'Nay, assistance yata ‘yung tawag,” pagbabalita ni Mama Loi.


In short ay nagsampa na raw sa DOLE ang empleyado at na-schedule na raw ang hearing sa Jan. 5 and Jan. 12, 2023.


Ipinakita nina Ogie ang dokumento kung saan nga ay nakasaad na sinampahan ng reklamo ng tauhan ang kumpanyang Johngrasher Merchandising, Inc. na pag-aari raw ni Mommy Divine.


Ayon pa raw sa tauhan ay desidido siya talagang ilaban ito hanggang huli.


“Kasi nga raw, kung hindi raw niya ‘to gagawin, mauulit, baka maulit at maulit lang du’n sa mga current at saka sa mga future pang empleyado,” sey ni Mama Loi.


Sa panig naman ni Mommy Divine, nakausap ni Mama Loi ang isa sa mga empleyado ng ina ni Sarah at itinanggi raw nito ang mga akusasyon sa kanilang amo.


Ayon sa empleyado ay family driver daw ng mga Geronimo ang complainant. Umalis na raw ito noon pero nakiusap muli kay Mommy Divine na magtrabaho ulit dito at tinanggap naman ng ina ni Popstar.


Pero after 5 months ay bigla na lang daw itong umalis nang walang paalam at sinabing resigned na siya. Iniwan lang daw ang susi at babalikan na lang daw ang mga gamit.


Ang nasabing driver ay marami raw violations. Hindi rin daw totoo na hino-hold ng kumpanya ang last pay at mga gamit nito dahil puwede raw itong makuha anytime.


Fixed daw ang monthly rate ng driver at hindi raw totoong hindi bayad ang 31st day of the month.


Sa issue ng delayed na suweldo, kung may pagkakataon daw na mahuli ang bigayan ay isang araw lang naman daw ito nade-delay dahil kung minsan ay nasa farm daw sina Mommy Divine.


“Mabait naman daw si Mommy Divine at hindi naman daw maiaalis na may mga empleyado rin na pasaway kaya nag-aalisan,” tsika pa ni Mama Loi base sa nakausap niyang tauhan.


Well, abangan na lang natin kung sino ba talaga sa kanila ang nagsasabi nang totoo at sana nga’y maayos na nila ang gusot na ito.


Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page