Mommy Divine at Mateo, wala sa picture… SARAH, IPINAG-SHOPPING ANG DADDY DELFIN PARA SA FATHER'S DAY
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 22, 2026

Photo: FB Sarah Geronimo
Ipinag-shopping ni Sarah Geronimo ang kanyang ama na si Delfin Geronimo. Ipinost ni Sarah ang picture at video nila ng ama sa Instagram (IG).
Nagkataon namang kasabay ng pag-post ni Sarah ng shopping bonding nila ni Daddy Delfin ang pagdiriwang ng Father’s Day.
Kaya marami ang natuwa na may entry ito sa socmed (social media) noong Father’s Day.
Caption ni Sarah sa IG post niya, “Shopping with Tatay Delfin guwapo and Nina ganda at my favorite, Uniqlo! Happy Father’s Day to all our amazing fathers!”
Mabuti at naibalik ang magandang relasyon ni Sarah sa kanyang ama.
Waiting ang mga fans ni Sarah na makita naman nilang magkasama si Mommy Divine at ang singer.
Until now kasi, ang daddy pa lang ni Sarah ang nakikitang nakaka-bonding niya. Wala sa picture si Mommy Divine at wala rin ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli.
Sey ng mga netizens:
“Sana matunaw na rin ang galit sa puso ni Mommy Divine.”
“Mas masaya po ‘pag both families na magkasama. We’re praying for that to happen po. You deserve all the happiness. Anyways, Happy Father’s Day po!”
“Omg, I miss Daddy Delfin. Nice to see them together. Sana magkaayos na silang lahat.”
May nag-wish pang fan ni Sarah na next time ay ang mister niyang si Matteo Guidicelli naman ang babatiin niya ng Happy Father’s Day.
“Sana next year si Matteo na ang i-greet ni @justsarahgph ng Happy Father’s Day. Sarah looks pregnant, hoping and praying ‘to na ‘yun. Sa birthday ba ni Sarah ang announcement? That would be the biggest news of the year if ever.”
Talaga ba?
Sa away sa mga kapatid… NETIZENS KAY IAN: MAY GABA SA MGA MAHADERA
USAPANG Father’s Day pa rin, matamis na binati ni Jaden Kristoff de Leon ang kanyang amang si Ian de Leon sa Facebook (FB).
Sa gitna ng malaking isyu na kinakaharap ni Ian, ipinakita ni Jaden ang kanyang suporta sa ama.
Mensahe ni Jaden kay Ian, “Happy Father’s Day, Daddy! Stronger together! I love you!”
Bumaha ng pagbati kay Ian sa comment section. Natuwa ang mga netizens kay Jaden sa pagpapakita ng suporta sa kanyang ama.
Sey ng mga nakabasa:
“You’re so sweet, Jaden. Happy Father’s Day to your Dad.”
“Ang guwapo ng anak.”
“Happy Father’s Day, Ian. Take care of your Dad, Jaden.”
Ang iba ay may kasama pang parunggit sa mga kapatid ni Ian na sina Lotlot at Matet de Leon.
“Happy Father’s Day, Ian. Keep doing what you’re doing, you’re inspiring so many!”
“Happy Father’s Day, Ian de Leon. Hayaan mo silang dalawang ampon. May gaba rin na darating sa mga mahadera.”
“Happy Father’s Day, Ian. Ang bait mong anak sa Mommy Nora mo.”
‘Yun na!





Comments