top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Mommy Dionisia, sinabihan ng vlogger na masahol pa sa baluga… PACQUIAO, SASAMPAHAN NG PATUNG-PATONG NA KASO SI MARCOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 1, 2026



Manny Pacquiao at Norman Mangusin AKA Francis Leo Marcos

Photo: Manny Pacquiao at Norman Mangusin AKA Francis Leo Marcos / Circulated



Plano umanong magsampa ng reklamo ng 8-division champ na si Manny Pacquiao laban sa vlogger o content creator na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos (FLM).


Inihayag ng dating senador at boxing icon noong Biyernes na naghahanda siyang maghain ng mga reklamo laban sa nadakip na vlogger.


Sa kanyang panayam sa Super Radyo DZBB nu'ng Biyernes, inakusahan ni Pacquiao ang vlogger ng pagpapakalat ng maling impormasyon at panlilinlang sa publiko.

“May mga kaso akong isasampa sa kanya, ‘di lang isa, pero marami. Naka-prepare na lahat ‘yun, pati ‘yung mga ebidensiya. ‘Di ko pa na-meet itong taong ito. Gusto ko s’yang makita nang personal,” sey ni Pacman.


“Mahilig s’ya mag-name dropping at gumawa ng story na ‘di naman totoo para lang sa kanyang personal gain. Mahirap ‘yun. Marami s’yang tao na niloko, especially ‘yung mga OFWs natin,” wika pa ni Manny.


Pinagmumura kasi ni FLM ang nanay ni Pacman na si Mommy Dionesia Dapidran-Pacquiao sa isa niyang live at ininsulto ito nang malala. Ikinumpara ni FLM si Mommy Dionesia sa baluga at mas masahol pa raw ang nanay ni Pacquiao.

Sinabi rin umano nito na may utang si Pacman sa kanya.





Wala namang detalyeng ibinigay si Pacquiao tungkol sa mga isasampang kaso.

Hiningan ng komento ng GMA Integrated News ang kampo ni Mangusin tungkol sa mga pahayag ni Pacquiao.


Inaresto si Mangusin nitong Martes ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group sa isang hotel sa Pasay City kaugnay ng kasong ‘unjust vexation’.


May rekomendasyon na maaari siyang magpiyansa ng P120,000 para sa pansamantala niyang paglaya.


Nitong Biyernes ng umaga, inalis si Mangusin sa Camp Crame sa Quezon City at inilipat sa Parañaque City Jail kasunod ng utos mula sa korte.



MULING nagbigay-pugay si Mariel Padilla sa yumao niyang lola na si May Panlilio Sazon matapos ang pagpanaw nito kamakailan.

Sa Instagram (IG) reel ni Mariel, ibinahagi niya ang mahahalagang sandali mula sa

buhay ng kanyang Lola May na may kaugnayan sa alaala ng pamilya.


Nagpahayag din siya ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong nag-alay ng panalangin at suporta sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanyang post.


Muling ipinaalala ni Mariel ang buhay ng kanyang lola habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagmamahal at pagsasama-sama sa panahon ng kalungkutan.


Aniya, “Ang pamamaalam sa aking Lola May ay isa sa pinakamasakit na sandali para sa aming pamilya.”


“Sa lahat ng tumulong, nanalangin para sa amin, sumuporta sa amin, at nagbigay-pugay sa kanyang buhay, maraming salamat.”


Diin pa niya, “Ang pagmamahal ninyo ay higit pa sa inaakala ninyo.”

Hindi ikinakahiya ni Mariel Rodriguez na siya ay isang lola’s girl.



MAGKAKAROON umano ng project si Bea Alonzo na ang kapareha ay si Tom Rodriguez.

Ang kuhang larawan ng dalawang celebrities ay makikita sa Instagram (IG) ni Popoy Caritativo, manager ng aktor.


Ani ng mga nagkomento, “Bagay. Si Tom talaga ang standard ng partner ni Bea, dapat ay guwapo at maganda ang katawan, mukha pang sosyal.”


Tila may ibig sabihin naman ang isang commenter, “Bakit hindi si Rafael Rosell o kahit ang mas mahuhusay na Kapuso ang mangunguna?”

Sey pa ng ibang netizens…


“Walang kinang si Rafael, ‘di nga nag-click ang team-up nila last time.”


“Malakas ang chemistry nila kahit ilang linggo lang si Rafael sa Widows’ War (WW). Baka ayaw ng management kasi nand’yan na si Direk Zig at Bea para medyo maiba.”


Komento naman ng isa, “Sana naman, mabigyan si Bea ng de-kalibreng project na pasok sa age range n’ya. Baka gawin na naman s’yang teen-ager dito, ‘kaloka.”


“Sobrang ganda basta si Zig Dulay ang humawak. Umalis s’ya to do MMFF (Metro Manila Film Festival), ‘di nila nagawang i-copy ang caliber style ni direk.”

“Wala ring star factor si Tom.”


“May kakaibang nega vibe na kasama si Tom. Kung ‘di interesante o maganda ang pagkakagawa ng kuwento, maaaring ‘di maganda ang takbo ng serye. Sa huli, si Bea na lang ulit ang magdadala ng serye.”


“Hahaha! Nagsama pala sila ni Carla sa WW. Ano kaya ang pakiramdam ni Carla?”

“Hoping Bea stops the pusod style kasi mas bagay sa kanya ang nakalugay.”


“Paumanhin, nakikita ko pa rin itong ‘di kaakit-akit. Maski bilyones pa ang presyo ng suot mo, kung ‘di naman appropriate sa ambiance, ‘di pa rin mukhang alta.”

Ganern? Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page