top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mommy Caring, reyna sa Lakambini Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 30, 2021



Kahit pinahirapan si Mommy Caring ay nanatili ang kanyang tikas upang magreyna sa 2021 PHILRACOM Lakambini Stakes Race noong Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Kumaripas sa largahan ang anak nina Striding Ahead at On A Mission na si Mommy Caring subalit kinapitan agad siya ni La Liga Filipina kaya naging kampante sa pagdadala si jockey Lester De Jesus.


Papasok ng far turn ay unti-unting lumalayo si Mommy Caring kay La Liga Filipina kaya sa huling kurbada ay nakalamang na ang winning horse ng tatlong kabayo.


"Napakahusay ni Mommy Caring habang tumatagal lalong nagiging impresibo ang kanyang performance," saad ni Rex Valdez, karerista.


Inirehistro ni Mommy Caring ang (24 24 25' 30) 1:43.2 minuto para sa 1,600 meter race sapat upang ibulsa ng horse owner na si James Rabano ang P1.2M sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Dumating na segundo si La Liga Filipina, nakopo nito ang P400,000 habang napunta kina Isla Puting Bato at All To Easy ang tig-P200,000 at P100,000 matapos dumating ng third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Hinamig ng winning breeder na si Hermie Esguerra ang P100,000. Hindi pa nakalasap ng pagkatalo si Mommy Caring sa tatlong salang nito sa pista, unang rampa nito sa PCSO Maiden Stakes race, sunod ay ang Philippine Sportswriters Association, (PSA) Cup.


Samantala, nanaig si Mark Of Excellence sa PHILRACOM-Klub Don Juan de Manila-Clara Marie Abalos Foundation Trophy race.


Ginabayan ni JL Paano, nakapagtala ng tiyempo 1:37.6 minuto sa 1,500 meter race sapat upang sikwatin ng may-ari ng Mark Of Excellence ang added prize na P30,000.


Pangalawang tumawid sa meta si Joyous Solution, tersero si Viva Forever habang pumang-apat si Happy Maggie. Maging si Patong Patong ay nagpasiklab din nang manalo sa PHILRACOM-KDJM Benefit Race na pinakawalan sa pang-12 karera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page