top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mommy Caring, ratsada sa pista ng Classic Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 23, 2023



Ipaparada sa pista si Mommy Caring para makipagtagisan ng bilis sa 2023 Philracom Classic Cup Division III na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas sa Sabado, (Marso 25).


Inaasahang mapapahirapan si Mommy Caring bago masungkit ang korona dahil mga dekalidad na kabayo ang mga kasali sa distansiyang 1,800 meter race.


Paglalabanan ang nakalaan na P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang makakalaban ni Mommy Caring ay sina All Too Easy, Cupid Song, Hamlet, Magna Cum Laude, Moderne Cong, Shanghai Noon at Sophisticated na rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.


Gagabayan ni jockey Pabs Cabalejo si Mommy Caring sa event suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P300,000, sisikwatin ng pangalawang kabayong tatawid sa meta ang P100,000, mapupunta sa third ang P50,000 habang tig-P25,000, P15,000 at P10,000 ang fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Mag-uuwi rin ng P25,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P15,000 at P10,000 ang second at third.


Samantala, ilalarga kinabukasan (Linggo) ang 2023 PHILRACOM Classic Cup Division I na sasalihan ng anim na mahuhusay na kabayo.


Ang mga kasali ay sina Big Lagoon, Boss Emong, Don Julio, Gomezian, Robin Hood at Sky Shot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page