top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mommy Caring rarampa Don Damiano kikilatisin

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
2 min read

Updated: Nov 7, 2021

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 6, 2021



Kikilatisin si Don Damiano ng kanyang mga katunggali sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Ayon sa mga karerista sa social media, posibleng maging mahigpit na kalaban ni Don Damiano sina Double Happiness at Harapin Mo sa distansyang 1,400 meter race.


"Malakas na itong grupo na nilabanan ni Don Damiano kaya mapapalaban siya," saad ni Gelo Cortez, karerista.


Rerendahan ni jockey RM Garcia, ang ibang kalahok ay sina Mount Pulag, My Only Treasure, Narrative at Within Reach.


May 25,000 na added prize para sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). Hahamigin ng winning horse owner ang dagdag na P5,000 na premyo.


Samantala, rarampa sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite si Mommy Caring para sikwatin ang korona sa 2021 PHILRACOM "PSA Stakes Race" na ilalarga bukas, (Linggo).


Ipakikita ng pambato ni James Anthony Rabano (horse owner) ang husay nito sa karera laban sa walo pang tigasing kabayo na naghahangad na sikwatin ang P300,000 na premyo.


Lahi nina Striding Ahead at On A Mission, gagabayan ni Lester De Jesus si Mommy Caring na inaasahang susuportahan ng mga liyamadista.


Inaasahang magiging mahigpit na katunggali si Roll Da Dice na sasakyan ni Patty Dilema.


Ang ibang kalahok ay sina Fiesta Cubano, Well Done, Arrabiata, Money Changer, Shanghai Silk, Luke Skywalker at Tocque Bell.


Noong Setyembre lang ay nasilo ni Mommy Caring ang korona sa 2021 PCSO 3-year-old Maiden Stakes Race na nilarga rin sa San Lazaro.


Samantala, masasaksihan din sa karera ang bakbakan sa PCSO Silver Cup kung saan ay magtatapat ang mahigpit na magkaribal na sina Super Swerte, Boss Emong at reigning Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page