top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Moment Of Truth sa Condition Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 27, 2023


Nakatakdang sumalang ni Moment Of Truth sa magaganap na Condition Race 19 & 20 Merged na ilalarga sa Metro Turf, Malvar, Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.


Inaasahang mapapalaban ng todo si Moment Of Truth dahil mga tigasing kabayo din ang makakalaban nito.


Rerendahan ni jockey Conrad Henson si Moment Of Truth sa distansiyang 1,200 meter race kung saan limang mahuhusay na kabayo ang kanyang makakatapat.


Nakalaan ang P10,000 added prize para sa unang kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina A.P. Factor, Golden Sunrise, Gomper Girl, Pharaoh's Fairy at Eazacky.


Komento ng mga karerista, posibleng magbigay ng magandang laban din sina Golden Sunrise at Pharaoh's Fairy na sasakyan nina Pabs Cabalejo at Oneal Cortez ayon sa pagkakasunod.


Pakakawalan ang nasabing karera sa unang race kung saan simula rin iyon ng winner take all (WTA) kaya paniguradong pag-aaralang mabuti ng mga karerista ang tatayaang kabayo upang maka-isang puntos agad.


Samantala, pitong races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya inaasahan na masaya ang pangangarera ng racing aficionados.


Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang mga pakarera ng MMTCI ngayong araw ng Biyernes.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Moment Of Truth (6), Gomper Girl (3)

Race2 - Amor Mi Amor (4), May Ten/Sun Dance (3/3A)

Race 3 -Jambo (1), Bordelle (5), Truthmaker (4)

Race 4 - Lucky Julliane (7), Quid Pro Quo (6), Binibini (5)

Race 5 - Paramount (7), Hashtag (6), Batas Kamao (1)

Race 6 - Walkin On Sunshine (5), Since When (8), Static (9)

Race 7 - Double Happiness (12), The Price Is Right (8), Namaskar (11), Che Che (2)





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page