top of page
Kim Chiu - IG.jpg

‘Di na rin daw friend ni Sam… MOIRA, TAMEME PA RIN SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NINA ERIK, YENG AT TJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 4, 2025



  • Moira Dela Torre - IG

Photo: Moira Dela Torre - IG


May pagkataklesa rin naman si Regine Velasquez, ‘no?

Last Sunday sa live episode ng A.S.A.P. ay guest si Sam Milby dahil magpo-promote ng kanyang teleserye na Saving Grace (SG) na nagsimula nang ipalabas kagabi sa TV5.  


Masayang nagtsitsikahan ang dalawa nang lumapit si Robi Domingo at dalhin silang dalawa papunta kay Piolo Pascual na guest din sa programa.  


Sa gitna ng biruan, binitiwan ni Regine ang linyang, “Sorry kasi we’re not friends anymore,” na ikinagulat ni Sam.  


Napansin ng mga netizens ang reaksiyon ni Sam, na tila nagulat ngunit idinaan na lamang sa tawa at ngiti.  


Agad namang kumambiyo ang Asia’s Songbird at niyakap ang aktor bago nagpatuloy sa hosting.  


Alam na ng lahat na ang linyang sinabi ni Regine ay isang reference sa pahayag ni Sam tungkol sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ng OPM singer na si Moira Dela Torre.  


Sa gitna ng kontrobersiya, nananatiling tahimik si Moira at mariing itinanggi ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya. Wala rin siyang tugon sa umano’y pag-unfollow sa kanya nina Erik Santos, Yeng Constantino at TJ Monterde.  



IBINIDA ni Joey De Leon ang birthday gift niya para sa kanyang co-host sa Eat…Bulaga! (EB) na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 30th birthday kahapon, March 3. 


Ipinost niya sa kanyang Instagram (IG) ang iginuhit niyang bagong photo ng misis ni Cong. Arjo Atayde na may caption na: “Self portrait with a touch of Yaya Dub.”  


“This is my gift to the Birthday Girl Maine—a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots). Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads!” wika pa ni Joey kay Maine.  


“Thank you, Boss Joey! Love you,” pasasalamat naman ng birthday girl.  


First day pa lang ng birth month ni Maine ay may stunning post na siya sa IG page, @mainedcm. Masayang ibinahagi ni Maine ang mga stunning pictures sa kanyang IG page na kinuhanan ni Charisma Lico-Santos at may caption na “How did we get to March so fast?” at “Hello, birth month!”



IBINAHAGI ni Gabbi Garcia ang ilang snaps ng kanyang kapwa Pinoy Big Brother (PBB) hosts. 


Aniya, “Thank you for the warm welcome!”  


Sa Instagram (IG) ng Kapuso It Girl ay makikitang kasama niya sina Mavy Legaspi, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez at Alexa Ilacad.  


“Thrilled to be part of another [GMA Network and ABS-CBN] collaboration! This time with PBB. Thank you for the warm welcome!!! Excited to learn, have fun, and create amazing memories with everyone!” ang caption ni Gabbi.  


Matatandang nag-audition din si Gabbi sa PBB noong 2012. 


Aniya, “Today, it’s such a full circle moment for me to be able to, you know, audition how many years ago. And then right now, I’m standing in front of you as a host. I’m so humbled, and I’m so grateful for this opportunity.”


Samantala, bago mag-open ang Bahay Ni Kuya ay nag-guest ang mga host sa noontime show na Family Feud (FF) hosted by Dingdong Dantes na mapapanood sa Kapuso Network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page