top of page

MOI KAY PIOLO: KONTING PANAHON NA LANG, 50 KA NA, MAGIGING AKIN KA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2023
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 14, 2023




Dalawang dekada nang magkasama si Piolo Pascual at ang trusted assistant niyang si Moi Bien Marcampo kaya itinuring na itong kapamilya ng aktor.


Wala nang mahihiling pa si Piolo kay Moi dahil sa pagsisilbi nito kaya siguro hindi na naisip ng aktor na mag-asawa dahil laging nasa tabi niya ang trusted assistant, bukod pa sa busog siya sa pagmamahal ng pamilya at siyempre, ng nag-iisang anak na si Iñigo Pascual.


Idinadaan naman lagi ni Moi sa biro na crush na crush niya si Papa P at wala na ring hiyaan ang dalawa dahil nakikita raw ng una na lumalabas ng kuwarto ang aktor na naka-boxer shorts lang kasi walang malisya sa kanya.


Nitong Huwebes (Enero 12), nagdiwang ng kaarawan niya si Papa P. at edad 46 na siya kaya binubuska ng assistant na kapag umabot na siya ng 50-anyos at wala pa ring asawa ay iisa lang ang ibig sabihin, sila na para sa isa't isa.


Pabirong bati ni Moi sa kanyang Instagram account with her and Piolo picture, “Happy birthday P, mahal kita mula sa kaibuturan ng aking puso, cheers!! Hala, konting panahon na lang, 50 ka na, magiging akin ka na @piolo_pascual bwahahahahaha.. Chos!! (three hearts emojis)."


Bukod dito ay may video post din na pinupunasan ni Moi si Piolo dahil pawis na pawis pati buhok dahil sa paglalaro ng badminton.


Tumatawang sabi ni Moi, “Huh, alagaan natin ‘to, hindi pa rin ako sumusuko, punas-punas.”


Natatawa naman si Piolo, “Hindi ako umabot sa finals,” na ibig sabihin ay talo siya sa larong badminton.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page