'Di totoong break na… SAM, UMAMING PINAG-UUSAPAN NA NILA NI RHIAN ANG KASAL
- BULGAR
- Feb 15, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 15, 2023

Ang dating aminadong mahiyain na negosyante sa Frontrow at boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa, ngayon ay magkakaroon na ng sariling TV show.
First time kahapon na humarap sa entertainment press si Sam Verzosa para sa first public affairs program niya sa CNN Phils., ang Dear SV na magsisimula nang umere sa Sabado, Feb. 18, 7:30 PM.
Paulit-ulit na sinabi ni Sam sa mediacon kung bakit siya napapayag na magkaroon ng TV show gayung Tutok To Win Partylist representative siya.
Aniya, gusto niyang mas lumawak ang naaabot ng kanyang mga natutulungan kaya gumawa sila ng ganitong klaseng show kung saan puwedeng sumulat at ipaabot ng ating mga kababayan ang kanilang mga problemang pinansiyal atbp..
Na-inspire si SV sa kaibigang negosyante-TV host na si Willie Revillame na maraming natutulungan sa Wowowin kaya sinundan niya ang yapak nito at ganito ang gagawin nila sa Dear SV.
Emosyonal na sinabi ni Sam kahapon na sayang lang dahil hindi na ito mapapanood ng kanyang ama na last week lang pala pumanaw. Pero alam daw niyang nakatanaw ito from heaven at masayang-masaya itong makita na itinutuloy niya ang mga bilin nito sa kanya.
Samantala, dahil Valentine's Day kahapon, kinumusta ng press ang puso ni Sam at inamin niyang okay naman sila ni Rhian Ramos, taliwas sa napabalita kamakailan na break na sila.
In fact, dumalaw pa nga raw si Rhian nu'ng nasa ospital pa ang tatay niya at hanggang nu'ng namatay ito.
Although mukhang nagkaroon nga ng problema ang magdyowa dahil nagkaroon ng mga 'unfollow-han' sa kanilang social media account nu'ng mga nakaraang buwan, ang mahalaga ay naayos naman nila ito at sabi nga ni Sam, they're trying to be the best version of themselves.
Kaya naman ngayong okay na okay na uli sila ni Rhian, natanong namin ang public servant-TV host kung may plano na rin silang magpakasal.
Aniya, bagama't noon pa naman ay napag-uusapan na nila ito ni Rhian, wala pang definite plans.
"Alam mo, in every relationship naman, maiisip mo 'yan, but ah… sabi ko nga, we're in the stage na we're getting to know each other. We're growing as a person and bago tayo dumating diyan, dapat handa tayo at 'pag dumating 'yan, sana 'yun nga, maabot natin kung ano 'yung best o 'yung best version of ourselves," very honest na sagot ni Sam.
Sabagay, more than a year pa lang naman sila ni Rhian at mas tama nga na kilalanin
muna nila nang mabuti ang isa't isa bago pumasok sa isang seryosong bagay tulad ng kasal.
Aminado rin si Sam na marami pa siyang gustong maabot at gawin bago pumasok sa pag-aasawa, tulad nga ng pagho-host nitong Dear SV kung saan mas maraming kababayan pa natin ang matutulungan niya.





Comments