MMFF MOVIE NINA TONI AT JOEY, REQUIRED PANOORIN SA ISKUL
- BULGAR
- Jan 12, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 12, 2023

How true na required daw panoorin ng mga estudyante sa isang paaralan ang MMFF movie nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na My Teacher?
Ayon kay Ogie Diaz, naging usap-usapan sa Twitter ang diumano'y pagre-require sa mga estudyante ng Brentwood Dasmariñas na manood ng My Teacher.
Nakarating na rin sa programa ni Ogie ang balita subalit wala pa rin daw itong kumpirmasyon.
Mayroon din umanong permission letter mula sa paaralan ang kumakalat at makikitang January 10 ang naturang viewing ng school.
Tinalakay sa Showbiz Update ang isyung lumabas sa Twitter.
Ayon naman sa nasagap umano ni Mama Loi, ang co-host ni Ogie sa Showbiz Update, "Nabasa ko nga 'yun sa Twitter, actually, at 'yun nga ang akusasyon."
"Hindi natin alam kung totoo 'yung sulat," ani naman ni Ogie.
"Hindi natin alam, baka naman talagang napanood ng Brentwood ang pelikula, eh, gusto talagang irekomenda sa mga estudyante, kaya nga lang, nahahaluan ng pulitika. Malay naman natin, paborito nila si Toni Gonzaga... ng school," dagdag pa nito.
May sagot kaya ang kampo ni Toni rito na mukhang paborito pa ring i-bash ngayon ng mga anti-PBBM?





Comments