top of page
Brenda Mage - FB.jpg

MMFF movie, mai-promote lang… VIC, KATAPAT NOON, GUEST SA GGV NI VICE NGAYON

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Nitz Miralles @BIDA | November 28, 2026



Vic Sotto at Vice sa GGV - YT

Photo: Vic Sotto at Vice sa GGV - YT



Siguradong masaya at mapupuno ng tawanan ang Gandang Gabi Vice (GGV) sa Sunday dahil si Vic Sotto ang guest ni Vice Ganda. 


Nag-taping na ang dalawa sa special two-part episode. 

Ang unang episode ay mapapanood na bukas, November 29. Ang second episode ay airing sa December 6, 2026.


Bagama’t promotional guesting para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang The Greatest Showdown ang pagbisita ni Vic sa show ni Vice, iba pa rin na mapanood silang in one frame na nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Siguradong mag-e-enjoy ang mga viewers ng GGV sa Sunday.


Looking forward na ang mga fans sa two-part special ng guesting ni Vic, kasi naman, ang dating magkatapat dahil sa noontime show, magkasama na sa pelikula ngayon.


Kasabay ni Vic na guest sa GGV si Jose Manalo, kaya lalong masaya at nakakatawa ang episode.





Sa hirit na buwisan ang kape…

“MAS MABUTING GISING KAYSA LASING” — KAREN



Mga coffee lovers, unite at mag-ingay! 

Tama bang pati kape ay balak buwisan? 


Ang daming nag-react sa pahayag ni Olivia Limpe-Aw sa isyung ito. Si Ms. Olivia ang president ng Distilled Spirits Association of the Philippines (DSAP).


Aniya, “‘Yung mga Gen Zs natin, ‘di na sila masyadong umiinom ng alak, ang gusto nila, kape. Kaya sabi namin kay Cong. Miro (Quimbo), ‘Cong. Miro, baka gusto n’yo i-tax ‘yung kape?’ Kasi ‘yun ang malaki, ‘di talaga ‘yung alak. And ang mahal ng kape.”


Dahil dito, mabilis ang reaksiyon ng broadcast journalist na si Karen Davila sa pahayag ni Ms. Olivia.


“Buwisan na lang daw ang kape… ‘wag ang alak? Pinatawan po ng sin tax ang alak at sigarilyo dahil masama ito sa kalusugan, bukod sa revenue measure ng gobyerno. Nananahimik ang kape. Mas mabuting gising kaysa lasing.”


Nagsalita rin si Cong. Miro at kontra ang kongresista sa pagbuwis sa kape.

“The committee will not entertain any form of taxation on coffee. Masyado nang maraming buwis na pinagdurusahan ng ating mga kababayan? Pati ba naman kape?”


Pero parang tama ang obserbasyon ni Ms. Olivia dahil sa mga na-interview, they prefer drinking coffee than alcohol. Gusto nilang humaba pa ang kanilang buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page