MMFF movie, kumita ng P600M… DINGDONG AT MARIAN, BAGONG BOX OFFICE KING AND QUEEN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 10, 2024

Extended pa ng one week ang pagpapalabas ng mga pelikulang kasama sa MMFF 2023.
Mahigit P1 billion ang kinita sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa filmfest ngayong taon, na ang top grosser ay ang Rewind na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Mahigit P600 M ang naitalang kinita nito at patuloy na pinipilahan at pinanonood.
Mula Day 1 ng MMFF 2023 noong Dec. 25, consistent na malakas sa takilya ang Rewind.
At kahit hindi napili na masama sa Top 4 Best Picture ay tinangkilik pa rin ng mga moviegoers.
Kaya naman masasabing certified Box Office King & Queen sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. And it seems magpapatuloy ang kanilang suwerte hanggang 2024.
Truly blessed sina DD at Yanyan dahil bukod sa solid at strong ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, may mababait silang anak at matatag pa rin ang kanilang showbiz career.





Comments