top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MLBB: Blacklist, pakay ang back-to-back title sa M4

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | January 3, 2023



Sinimulan ng Blacklist International ang pagtahak sa pagnanais na makuha ang back-to-back title sa M4 World Championships Mobile Legends: Bang Bang sa Jakarta, Indonesia sa isang sariwang panalo kontra Turkish team na Incendio Supremacy sa bisa ng 13-10 nitong Linggo.


Naging mahusay ang ipinakitang pagpili at pag-ban sa mga heroes na kailangan ng Turkish team, habang patuloy na pinangunahan nina Danerie “Wise” Del Rosario, Edward “Edward” Jay Dapadap at captain Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang Blacklist.


Agresibong nagawang makuha ng Uncendio Supremacy ang kalamangan sa ika-7 minuto ng laro nang pabagsakin ang tatlong hero ng Pilipinas kasunod ng team fight.


Gayunpaman, nakabawi ang Blacklist sa ika-12 minuto ng laro nang walisin ang lahat ng hero upang maiselyo ang panalo.


Naglista si Del Rosario ng 6 kills at 3 assists upang makabuwenamano ng panalo sa selebrasyon ng New Year, kung saan nagawang magsakripisyo ng bawat manlalaro na hindi makapiling ang pamilya sa panahon ng kapaskuhan upang maghanda para sa naturang malaking kompetisyon. “It's all about passion talaga. If your dream is to be a champion, if you have a big goal, you have to sacrifice,” pahayag ni Villaluna.


Sunod na makakatapat ng defending champion ang Burn X Flash ng Cambodia na ginagabayan ng isang Filipino coach na si John Michael “Zico” Dizon ngayong araw, Martes ng 6 p.m. (Manila time) na susundan ng isa pang laro sa Group Stage ng isa pang koponan na kino-coach ng isang Pinoy na si Dale Vitug na Falcon Sports ng Myanmar sa parehong araw ng 8 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page