top of page

Miyembro ng kidnap-for-ransom, tatakas, nabaril, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | December 9, 2020


ree

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group sa Sitio Sahaya sa Barangay Mampang, Zamboanga ngayong Miyerkules nang umaga matapos itong mabaril dahil nagtangkang tumakas sa pag-aresto ng mga awtoridad.


Ayon sa Western Mindanao Command (WESMINCOM), nagbigay ng arrest warrant ang law enforcement unit para kay Samad Awang alias Ahmad Jamal y Mara nang barilin nito ang isang pulis gamit ang caliber .45.


Kuwento ni WESMINCOM Commander Col. Antonio John Divinagracia, nilabag ni Awang ang Article 267 of the Revised Penal Code o serious illegal detention, kidnapping at hostage-taking na ibinigay ni presiding judge Josefina Bael ng 9th Judicial region, Regional Trial Court Branch 31 sa Imelda Zamboanga Sibugay.


Nakuha ng ilang pulis sa suspek ang baril na ginamit nito kasama ang ilang magazine na may 7 live ammunition at dalawang fired cartridges.


Dagdag pa ni Divinagracia, isa si Awang sa most wanted sa Police Regional Office 9.


Matatandaang pinangunahan ni Awang ang pag-kidnap kay Joel Endino noong January 29, 2011 sa Ipil Zamboanga Sibugay at siya rin ang suspek sa pagkidnap kay Gean Carlos Bossi noong 2007 at Kathy Casipong noong 2013.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page