top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mitchell, naglagablab sa Jazz, tinabla ang Grizzlies sa Playoffs

BULGAR
May 28, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 28, 2021




Nagdiwang ang numero unong Utah Jazz sa pagbalik sa aksyon ni All-Star Donovan Mitchell at tinalo nila ang Memphis Grizzlies, 141-129, at itabla ang kanilang seryeng best of three sa NBA Playoffs kahapon sa Vivint Arena. Lumiban si Mitchell sa huling 17 laro buhat pa noong Abril 17, kasama ang Game One kung saan nanaig ang Grizzlies, 112-109.

Tumalon sa 74-52 lang ang Jazz bago matapos ang first half subalit nagising ang Grizzlies at nakalalapit sa third quarter, 91-93. Biglang lumamig ang Memphis sa 4th quarter at ginamit itong pagkakataon ng Utah.

Gumawa agad ng ingay si Mitchell sa kanyang 25 puntos sa 26 minuto at sinundan ng kapwa All-Star na sina Rudy Gobert na may 212 puntos at 13 rebound at Mike Conley na may 20 puntos at 15 assist. Umapoy para sa 47 puntos si Ja Morant pero kinulang ng suporta galing sa mga kakampi.

Madaling pinatumba ng Philadelphia 76ers ang bisitang Washington Wizards, 120-95, para umakyat sa 2-0 sa kanilang serye. Namuno sina Ben Simmons at Tobias Harris sa paglayo ng 76ers sa first quarter, 35-24, at lumobo hanggang 27 sa 4th quarter, 118-91.

Nanguna para sa Philadelphia sina Simmons at Joel Embiid na parehong may 22 puntos habang 19 puntos si Harris. Nagbagsak ng 33 puntos si Bradley Beal subalit malaking kawalan sa Wizards ang paglabas ni Russell Westbrook na may 10:28 nalalabi sa 4th quarter matapos matapilok at lamang ang 76ers, 97-81.

Nalimitahan ng depensa ng New York Knicks ang Atlanta Hawks sa isang free throw lang sa huling 4minuto upang maukit ang 101-92 na panalo at pantayin ang serye nila sa 1-1. Mula sa tabla na 91-91, sinigurado ng Knicks na hindi na makakagawa ng milagro tulad noong Game One kung saan nanalo ang mga bisita sa buslo ni Trae Young sabay ng huling busina, 107-105.

Tatlong serye ang maglalaro ng Game Three ngayong araw tampok ang pagbisita ng defending champion Los Angeles Lakers sa Phoenix Suns na tabla sa 1-1. Susubukan makuha ng Milwaukee Bucks ang 3-0 lamang sa Miami Heat habang wawasakin ng Denver Nuggets at Portland Trail Blazers ang kanilang 1-1 tabla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page