Mister, tinuruan ng tamang sagot… CARMINA, NALOKA KAY ZOREN NA NAG-ISIP SA BABALIKANG EX-GF
- BULGAR
- 1 hour ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 25, 2025
Photo: Carmina Villaroel-Legaspi - IG
Nakurot ni Carmina Villarroel si Zoren Legaspi dahil sa hot seat question ukol sa ex-girlfriends nito.
Nangyari ito sa episode ng Sarap, ‘Di Ba? (SDB).
Ang tanong kay Zoren, sino sa kanyang mga ex-girlfriends ang kanyang babalikan at bakit?
Hindi tuloy mapakali si Carmina sa isasagot ng asawa.
Tanong niya, “Sa mga ex-girlfriends mo, sino ang babalikan mo at bakit?”
Ani ng anak nilang si Cassy, “Tatay, mag-isip ka nang mabuti, ha?”
Pakli naman ni Carmina, “Sandali lang, nakakaloka ka, nag-iisip ka talaga.”
“Ha?” tanong ni Zoren.
“Nag-iisip ka talaga kung sino ‘yung babalikan mo, ang tamang sagot du’n, wala,” sey ni Mina.
“Wala nga. Hinihintay kong matapos ikaw,” depensa ng aktor.
“Eh, kanina pa ako tapos,” sagot naman ni Mina.
Hahaha! ‘Kaaliw!
DINAGSA ng mga Noranians ang special screening ng Faney na tribute film para kay Nora Aunor.
Dumalo ang anak niyang si Ian de Leon kasama ang kapatid na si Kenneth at kanilang pamilya.
Lubos ang pasasalamat ni Ian kay Direk Adolf sa pagkakabuo ng pelikula, na isa umanong ‘pagbibigay-pugay’ sa ina nilang Superstar.
Emosyonal si Ian habang binibigyang-halaga ang alaala at pamana ng kanyang ina sa industriya.
Ang naturang screening ay ginanap noong kaarawan mismo ni Ate Guy, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2, at dinaluhan ng pamilya Aunor.
Kinuha ng ilang press ang pagkakataon upang kumustahin si Ian ukol sa usapin ng mga naiwanang ari-arian ni Ate Guy.
Sa mga nakalipas na linggo, may mga lumabas na espekulasyon ukol sa mga properties ni Nora na tila hindi pa umano malinaw ang hatian o disposisyon.
Ngunit ayon kay Ian, “It remains confidential. Siyempre, ‘yung mga inaayos din namin, ‘yung sa personal na mga bagay. Beyond that, it's confidential. I hope people will respect that.”
ALL’S well that ends well na sa pagitan nina Nadia Montenegro at Baron Geisler.
Bati na sila at ang anak nilang si Sophia ay nasa poder ngayon ng aktor dahil papasok na ito sa kolehiyo.
Sa latest vlog ni Karen Davila na uploaded sa kanyang YouTube (YT) channel ay ang magkapatid na Tanya at Nadia Montenegro ang guests.
Tungkol sa mga naging karelasyon nila sa buhay ang isa sa mga napag-usapan nina Karen, Tanya at Nadia at nasambit ng huli na okey na sila ni Baron.
Tanong ni Karen kay Nadia, “Children are blessings but did you regret being with Baron?”
Ani Nadia, “I never regretted being with Baron but I regretted the situation he was in at that time, how I was, that he was sober, maybe we could have handled things differently.
“But Karen we’ve both talked about this na, actually these last few months had been very good for us. Actually, Sophia’s with him since February and fixing na the school for college, they’re gonna enroll soon together. Things are working out naman.”
Ayon pa sa dating aktres, “May nagkuwento rin sa amin na nakikitang kasa-kasama ni Baron ang dalagang anak sa mga lakad nito tulad ng script reading atbp..”
Hozzászólások