Mister, sinigawan daw ang ex-BF… SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 14, 2026

Photo: FB Robin Padilla & Kiko Pangilinan
May mga nang-iintriga na ano kaya ang posibleng ipahayag ni Megastar Sharon Cuneta matapos ngang masaksihan ng sambayanan ang tila girian ng kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at ng matalik niyang kaibigan at dating BF na si Sen. Robin Padilla?
Nag-ugat ito sa pagtataas ng boses ni Sen. Kiko na diumano ay hindi nagustuhan ni Sen. Robin dahil pagsigaw daw ang dating nito sa kanya.
“Just asking kung ano na naman kayang paeklay chururot ni Mega para kunwaring wala siyang masaktan eklavooh gaya ng noo’y ginawa na niya sa Sen. Tito Sotto niya at sa pamilya nu’ng lumaban din itong VP?” tanong ng mga halatang ‘bashers’ sa isang socmed (social media) thread.
“Ano ba kayo, obvious namang sa asawa ‘yan kakampi, ‘noh? Pero matalino si Mega, mahusay s’yang mag-compose at gumawa ng mga statement na papabor pa rin sa imahe n’ya,” hirit naman ng iba.
Sa naganap ngang ‘tila bangayan’ ng dalawang senador kaugnay ng mga stand nila sa iskandalosong isyu ng pag-serve ng warrant of arrest kay Sen. Bato, hayan tuloy at totoong teleserye na ang nagaganap sa mga dapat ay disente, well-behaved at matatalino nating mga senador sa plenaryo ng Senado.
Hmmm… matuloy pa kaya ang pinag-uusapan ding nakatakda raw nilang gagawin na movie together sa mga susunod na panahon under sa kapwa nila mahal na Viva Entertainment?
Fans, kaya todo-asang matutuloy ang kasal ni Bea… DIMPLES AT MISTER, TODO-POST NA NASA SPAIN NA
SA patuloy ding usapin sa mga urong-sulong na isyu sa kasalang Bea Alonzo at Vincent Co ay may mga posts naman itong si Dimples Romana kasama ang kanyang asawang si Boyet Ahmee na nasa Spain na.
Kilala sa showbiz na matalik na magkaibigan sina Dimples at Bea kaya’t may mga humo-hopia raw na mga fans ng aktres na baka matuloy ang kasal at baka nga raw eklay lang na pralala ang sinasabing na-cancel na ito.
Pero ang tila umiikot ding tsismis sa ngayon ay ang mga unconfirmed sources and reports na nagsasabing baka diumano mauwi pa sa legal action ang mga pangyayari sa pagitan ng mga handlers ni Bea at pamilya ni Vincent na na-drag sa isang pangit na kontrobersiya.
Anila ay nalagay sa negative side ang pamilya Co nang dahil sa mga usapin sa ‘prenup agreement’ at apektado nito ang patronage at moral standard ng mga negosyo ng mga Co sa bansa.
MAINIT din ang naging balitaktakan ng mga netizens sa pag-handle ng mga award-winning broadcast journalists na sina Tita Mel Tiangco at Karen Davila sa pag-i-interview nila separately kay Sen. Bato dela Rosa.
Sa magkaiba nilang news programs sa GMA-7 at ABS-CBN ay nagpaunlak ng panayam si Sen. Bato at napanood nga ng madla kung paano ito halos ‘nilitson’ ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga tanong.
Mabilis na nag-trending ang parehong interviews at kapwa sila pinupuri ng madla sa taglay nilang tapang at husay lalo’t ganu’n na ganu’n daw ang saloobin ng maraming Pinoy sa bansa.
May mga netizens din namang bumatikos at pumunang tila hindi umano naging professional ang pag-handle ng dalawa sa paraan ng pagtatanong dahil halata raw na may mga ‘bias’ ito sa disgusto nila kay Bato.
May ilan pa ngang tila kinakantiyawan at kinukuwestiyon din si Tita Mel dahil ang anak daw nitong singer-artist na Wency Cornejo ay lantad na DDS (diehard Duterte supporter).
Grabe na ang mga kaganapan nang dahil sa pulitika, ‘noh?





Comments