Mister ni Toni, ipinagtanggol… LOLIT: DIREK PAUL, MUKHA NAMANG EDUKADO!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 11, 2023

Samantala, napag-usapan din namin ni Manay Lolit Solis ang iba pa niyang alaga.
Natanong kasi siya ng aming kolumnista rito sa BULGAR na si Mareng Vinia Vivar kung meron ba sa kanyang mga alaga ang nagpasakit ng ulo niya.
Ayon sa talent manager, "Ito ah, kahit kay Gabby (Concepcion), nangyari 'yung scam, nagkaroon kami ng ano, wala kang narinig sa 'kin from Gabby, wala kang narinig sa 'kin na nagsumbatan kami. Wala, 'di ba? Siguro, 'yung talagang pagka-manager at talent relationship ay dapat talagang built on trust at 'yung respeto. 'Pag nakuha mo 'yun sa alaga mo, nakuha 'yun ng alaga mo sa 'yo, wala talagang gulo."
Eh, sila ni Paolo Contis?
Natatawa niyang sabi, "Naku, eh, 'kita mo, kahit na ibinubuking ko ang pangungutang niya, may ginawa ba siya sa 'kin? Si Paolo ang isa sa mga pinakamabait ko na alaga, eh. Hindi 'yan napipikon.
"Naiirita nga ako d'yan, eh. Sasabihin niya sa 'kin, ''Nay, 'wag mong sasabihan 'yan, ah,' pero, nasabi na niya sa ibang reporter. Parang bakla talaga! 'Di ba, parang bakla?" 'kaaliw na hirit ni Manay Lolit na sure naman kaming 'di seseryosohin ni Paolo dahil kilalang-kilala na niya ang kanyang nanay-nanayan.





Comments