Mister ni Sharon, ikinakampanya na raw… OGIE, IPINABOBOYKOT DAHIL KAY KIKO
ni Julie Bonifacio @Winner | March 3, 2024

May mga celebrities na ang nagpaparamdam na tatakbo sa susunod na halalan.
Ilan sa mga matutunog na pangalan sa showbiz na nagbabadyang magdeklara ng kanilang kandidatura ay sina Willie Revillame at Luis Manzano.
Parehong reluctant candidates sina Willie at Luis nu’ng una pa man suyuin ang dalawa ng iba’t ibang partido sa pulitika.
Pero ngayon, malaki ang chance na matuloy na talaga ang pagtakbo nina Willie at Luis next election.
If ever, parehong first time na sasabak sa political arena ang dalawa.
Meron ding mga pulitiko at allies nila ang bina-bash sa social media (socmed) nang walang kamalay-malay, gaya nina former Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Ogie Alcasid.
Binash si Ogie ng ilang netizens sa ipinost niyang photos kasama ang dalawang anak ni Kiko kay Megastar Sharon Cuneta na sina Miel at Frankie habang kumakain sa isang resto sa Amerika.
Kasama rin sa picture ang misis ni Ogie na si Asia’s Songbird Regine Velasquez at kanilang unico hijo na si Nate.
Caption ni Ogie sa picture nila ng mga anak nina Kiko at Sharon sa Instagram, “Had a short get-together with Ate Kakie and Ate Yellie, with Ms. Candy and Ms. Mitch of Centro Montessori. Missing Sen. Kiko and BFF.”
Ang BFF na tinutukoy ni Ogie ay walang iba kundi si Sharon.
“Hindi na senador si Kiko... Asa pa ba ‘yan na mananalo? Zero vote ‘yang kumag na ‘yan sa amin.”
“Obyus, ‘di ba? Simpleng kampanya na nga ni Ogie, eh. Buti na lang hindi kami nanood ng concert niya. Dapat ang ShaGab fans, hindi suportahan ‘tong si Ogie, eh.”
“Lapit na pala eleksiyon, nagpapabango na naman nga ang mga tatakbo na may kapit sa mga artista ngayon. Ba’t ‘di katulad kay Tatay Digong na ‘yung masa ang nagtulak sa kanya para tumakbo sa pagka-presidente? ‘Yung mga artista, sila ang bumaba sa pedestal nila para makisama sa mga mamamayan para tumakbo si Tatay Digong, ‘yung iba kasi na mga artista ay ‘wag na lang. POV lang po.”
Ganern?





Comments