Mister ni Maine na dati niyang ka-love team… “KURACAUGHT” POST NI ALDEN, PATUTSADA RAW KAY ARJO
- BULGAR

- Sep 13
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 13, 2025

Photo: Instagram
Trending ang cryptic post ni Alden Richards sa kanyang Instagram Stories laban sa mga tinawag niyang “kuracaught” officials.
Kahit hindi siya nagbanggit ng anumang pangalan, may ilang mga netizens na nag-isip na si Cong. Arjo Atayde – ang mister ng dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza – ang isa sa mga pinatutungkulan niya.
Dumepensa ang mga fans ni Alden at sinabing unfair daw na agad iugnay ang aktor kay Arjo dahil pangkalahatan ang kanyang post laban sa mga tiwaling opisyal.
Dahil ayon sa post, ang ibig sabihin ng “kuracaught” ay corrupt na opisyal o indibidwal na huling-huli na sa ginagawang walang-habas na katiwalian at pangungurakot.
Sa mga komentong naglabasan online, hinamon ng mga supporters ni Arjo si Alden na pangalanan nang direkta kung siya ang tinutukoy nito.
Nag-ugat ang mga hinala dahil nadamay si Arjo sa kontrobersiyal na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos isangkot ni Curlee Discaya ang pangalan ng kongresista.
Matapang namang ipinagtanggol ni Maine si Arjo mula sa mga bashers. Aniya, wala silang yaman na galing sa buwis ng mga Pilipino.
“Everything we have comes from years of work and savings. We pay our taxes, and we pay them truthfully, because we respect the same system we are accused of betraying,” pahayag ni Maine.
Dagdag pa niya, hindi niya matatanggap na pagbintangan silang magnanakaw.
“I will never accept the narrative that accuses us of stealing and living off taxpayers’ money. That is not who Arjo is, that is not who I am, and that is not who we are—no amount of noise and accusations will ever make it true.”
Nanindigan din siya na kung sakali mang may ginawang mali si Arjo ay hindi niya ito ipagtatanggol.
“And if Arjo ever did anything dishonest, if he were truly guilty, I certainly wouldn’t defend him and cover for him. Accuse him of other things if you wish, but not of stealing from people—that is one line he has never crossed, and never will,” dagdag pa ng aktres.
NA-MISS ng aming kaibigan na si Jack Suficiencia ang pagkanta kaya nang bumaba siya sa barko ay agad siyang sumabak sa guesting.
Kilala si Jack bilang isang “Marino Singer”. Passion niya ang pagkanta kaya kahit pababa-baba siya ng barko ay patuloy pa rin siyang nakikipag-jamming sa kanyang mga kapwa singers sa mga bars.
Gustuhin man niyang mag-concentrate sa music ay hindi niya magawa.
Aniya, “May takot kasi ako na ‘pag itinuon ko ang sarili sa music, hindi ako agad ma-appreciate ng mga music listeners. Ang hirap ng walang regular income. Kaya pinag-iipunan ko nang husto para the time na gusto ko nang tumigil sa pagbabarko, may pera na ako para maitustos ko sa aking pangarap.”
Nakakakuha rin daw siya ng raket kahit nasa barko.
Aniya, “‘Pag may guest ang mga bossing sa barko at need nila ang singer, ako ang isinasalang nila para kumanta. Dagdag-income din ‘yun. Hahaha!”
Marami na rin siyang original songs na nagawa at ibig niyang iparinig sa mga composers para malagyan ng areglo.
Kung tutuusin, matagal na rin siya sa music industry. Siya ang laging nakakasama ng singer noon na si Nerissa Binoya.
Lagi raw silang nagiging guest sa Eat…Bulaga! (EB!) at iba’t ibang programa basta kasama niya si Nerissa.
Ang hindi raw niya makakalimutan ay nang mag-guest sila sa programa ni Martin Nievera, ang Martin Late at Night (MLAN). Ang token daw na ibinigay sa kanila ni Martin ay isang boteng alak na itinabi niya bilang souvenir.
Nang magdesisyon si Nerissa na mangibang-bansa, ipinagpatuloy na niya ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos at maging seaman.
Guest siya kamakailan sa Letters and Music (LAM). Dalawang kanta ang kanyang ipinarinig — ang Bulag, Pipi at Bingi (BPAB) na ginawa niyang sariling rendition, at isang original song na siya mismo ang nag-compose, ang Sayang na Pag-ibig (SNP) na very catchy sa pandinig ng mga mahihilig sa musika.
Ang payo namin kay Jack, baguhin niya ang kanyang name para mas madaling makilala ng mga tao.
Paliwanag niya, “Natatakot kasi akong sumugal sa singing career ko. Nakikita ko kasi, parang ang hirap makapasok sa mainstream ng musika.”
Well, darating din ang tamang oras. Lakasan lang ng loob dahil maganda naman ang kanyang boses kumpara sa ibang mga singers.








Comments