top of page

Turned-off sa direktor… RICO, ‘DI RAW NASABIHANG HINDI NA FINALE SA SHOW, PAOLO NAG-POST PA SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 minutes ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 11, 2025



LETS SEE - RICO, ‘DI RAW NASABIHANG HINDI NA FINALE SA SHOW, PAOLO NAG-POST PA SA SOCMED_FB Rico Blanco & Paolo Valenciano

Photo: FB Rico Blanco & Paolo Valenciano



‘He says versus he says’ nga raw ang isyu between Rico Blanco at Paolo Valenciano hinggil sa ‘late information’ ng finale act sa isang music event recently.


Ayon sa aming kausap, pinaninindigan ng kampo ni Rico na late na silang naabisuhan na hindi na ang singer ang magiging last act sa naturang event kundi ang hit group ngayong Cup of Joe.


Wala naman daw problema kay Rico kung hindi man siya ang pinakabida sa show. Pero ‘yung late na raw itong nasabihan pero may hanash pa ang direktor ng show na si Paolo ay parang nakaka-turn-off naman daw.


Sa socmed (social media) nga nagbuhos ng kanyang emosyon ang anak nina Angeli at Gary Valenciano sa itinuturing nilang close friend at tinawag pang hero ni Paolo imbes daw na kausapin si Rico nang personal.


“That’s where the conflict stems. ‘Yung pride na ewan,” sagot naman ng kampo ni Rico Blanco.



“Wala na po akong magagawa d’yan. Doon talaga tayo dinadala ng pagkakataon, ng panahon,” simpleng sagot ni Sen. Lito Lapid sa hindi mamatay-matay na tanong kung bakit nasa Senado pa rin siya.


Sa Year 2028 pa magtatapos ang ika-apat na term ni Sen. Lapid kaya’t marami-rami pa rin daw na mga bashers at kritiko niya ang patuloy na mai-stress sa presence niya.

Kaya naman bilang pagpapaalala, nagbanggit ng ilang mga batas na naisulong ang senador gaya ng makabuluhang Free Legal Assistance Act of 2010 na nagbibigay sa mahihirap ng libre at de-kalidad na serbisyong legal.


Sinundan ito ng iba pang polisiya at mga inisyatibang magbubura sa pagitan ng mayaman at mahihirap. 


Isinulong din niya ang mga mungkahing mag-aangat sa living standard ng mga mahihirap na malaon na niyang ipinaglalaban, kaya nga siya tinawag na ‘Bida ng Masa’.

Sa pagtatapos ng 15th Congress, nakapaglatag si Senador Lapid ng 239 bills/resolutions - patunay na siya ang Fifth Most Prolific Member of the Upper Chamber.


Bilang chairman ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports, tiniyak niyang maisagawa ang mga hakbangin para sa pag-develop ng sports sa kanayunan, para mabaling ang interes ng kabataan sa sports competition.


Sa unang taon niya bilang head ng Senate Committee on Tourism, isinulong niya ang development of the tourism potential ng bansa. Kinalap niya ang mga gamit para sa ikatatagumpay ng Pilipinas sa tourism race sa Asia.


“Hayaan na po natin sila. Ang mahalaga, may mga ginagawa tayo para sa sambayanan,” simple pa nitong tugon sa mga kritikong patuloy na kinukuwestiyon ang kanyang edukasyon.

At ang mensahe niya sa isang sikat at award-winning journalist na nagulat na nasa Senado pa pala siya, “No Comment po. Hayaan na natin ‘yan,” sey nito.


“Obviously, ‘di s’ya informed o baka ‘di s’ya kasali sa kine-cater na audience ni Sen. Lapid,” hirit naman ng isang supporter-staff. 



SAMANTALA, nagmistula namang independence day celebration last December 8 sa Pasig City nang ilunsad ang kantang Pilipino Tayo ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director at Sentimental Songstress Imelda Papin.

Mapi-feel mo talaga ang pagiging makabayan ng bawat taong nagpunta sa venue para sa naturang song. 


Maganda ang hagod ng kanta, buo ang mensahe at aapela talaga ito sa lahat ng Pinoy — Muslim man, Bikolano, Ilokano, Bisaya, indigenous people or what.


Sa tulong ng kilalang songwriter na si Dr. Mon del Rosario, ginawa nila ni Mel ang kanta dahil nga raw sa maigting na panawagan sa lahat na maging mapagmahal sa bayan.


Sey nga ni Mel na emosyonal sa pagkanta ng tinatawag niya ngayong ‘advocacy’ niya, “Ang kantang ito ay paalala na saanman tayo dalhin ng buhay, iisa pa rin tayong sambayanan — matatag, nagmamahalan, at nagkakaisa. Ang PILIPINO TAYO ay alay ko sa bawat Pilipinong patuloy na lumalaban para sa ating bayan. Masigla rin ang suporta mula sa maraming media, press, at mga vlogger, na nagbahagi ng kaganapan sa mas malawak na madla.”


Sa intrigang tanong kung paghahanda na ba ito ni Mel para sa muling pagsabak sa pulitika sa mas mataas na posisyon gaya ng Senado, “Lagi namang may ganyang option. Let’s see…” sey ng isang source na malapit sa Songstress.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page