top of page

BF, habang hinihintay sa Christmas special ng ABS-CBN… KAILA, SPOTTED SA LOOB NG KOTSE NI DANIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 12, 2025



Kaila Estrada at Daniel Padilla - FB Circulated

Photo: Kaila Estrada at Daniel Padilla - FB Circulated



Spotted si Kaila Estrada sa loob ng kotse ng rumored boyfriend niyang si Daniel Padilla sa video na kuha ng mga netizens.


Mapapanood ang video na naka-post sa X (dating Twitter) na ini-upload ng isang fan na nakaabang kay Daniel pagkatapos ng ABS-CBN Christmas special.


Papunta ang aktor sa kanyang sasakyan habang pinagkakaguluhan ng mga fans. Pagbukas ni Daniel ng pinto ay may nakaupo na sa loob ng kotse na may hawak na cellphone.


Pati kulay ng suot na pantalon na khaki cream nu’ng nasa loob ng kotse ay nakita rin ng mga fans. ‘Yun daw ang kulay ng pantalon ni Kaila sa Christmas special.

Caption ng isang netizen, “Kaila waiting for DJ inside his car while the latter’s still accommodating his fans. Mom and dad went home together last night. My heart.”


Sinegundahan pa ng netizen ang kanyang caption at dinepensahan si Daniel.

Sabi ng isa, “And yes, we have actual proof at hindi lang basta delulu (delusional).


Kung may inabangan man si DJ, it’s definitely his girlfriend na pinauna n’ya sa sasakyan so that she can comfortably wait for him. End of story.”

Tama.





MAS nagkalaman na ang mukha ni Kris Aquino sa latest picture niya na lumabas sa Instagram (IG). Ang dating business staff niya ang nag-post ng selfie nila habang nakahiga sa kama si Kris at balot ng comforter.


Tanging mukha lang ni Kris ang nakalitaw sa picture, pero kita na lalo pang nagkalaman ang kanyang mga pisngi. 


Although sinasabi ng ilan na pamamanas daw ang paglaki ng mukha ni Kris, kasi na-diagnose rin siya ng sakit na lupus, bukod pa sa marami niyang autoimmune disease.

Fighting pa rin daw si Kris sa kanyang karamdaman kahit na bumubuti ang kanyang katawan sa panlabas. 


Sa dami ng nagdarasal para kay Kris Aquino, hindi nakapagtataka kung maging mabilis ang recovery niya.



‘DI nga ba sinipot nina Megastar Sharon Cuneta and Asia’s Songbird Regine Velasquez ang Christmas special ng ABS-CBN?


Hinanap kasi ng mga netizens si Regine sa mga lumabas na mga pictures sa socmed (social media) sa naganap na Kapamilya Christmas special, pero hindi nila nakita si Songbird.


Kaya ini-repost niya ang isang group picture ng Kapamilya stars sa labas ng studio at nasa background ang pamosong tower ng ABS-CBN.


Post ng netizen, “Oh my! Saan si Ate Reg? @reginevalcasid Parang wala rin s’ya sa taping ng Christmas special kanina.”


May nag-reply na ibang netizen at sinabi kung nasaan si Regine.


Sey nito, “She was in a big corporate event. Kumita lang naman s’ya nang milyun-milyon sa isang gabi, kesa d’yan na libre. Hahaha!”


Bukod kay Regine, may naghanap din kay Sharon Cuneta at sa singer na si Jona sa group picture.


Sey ng mga fans, “Oo nga, wala rin yata ang ate n’yang si Megastar @sharon_cuneta12.”

“Wala rin ata si Ate Jona.”

Ganoon?







MULING nanggulat si Direk Nijel de Mesa sa bago niyang proyekto, ang limited edition ng Direku commemorative figurine. 


Kabilang kami sa mga sinorpresa ni Direk Nijel sa paglulunsad ng Direku na based sa viral hand-drawn online comic strip noong 2011.


Si Direku ang kauna-unahang IP character collectible ng NDMstudios na parang Pop Mart figurine. Mismong si Direk Nijel ang nag-design kay Direku dahil kilala rin siya bilang animator and illustrator.


Ayon kay Direk Nijel, “Isa s’yang director sa pelikula na obsessed humanap ng kanyang Ikigai o katuturan sa buhay.


“Super hyper, laging busy at todo-bigay sa pagtulong… pero ‘yun, madalas nauuwi na ‘di s’ya nauunawaan ng kanyang mga tinulungan.”


Limited talaga ang paandar dahil 500 pieces lang ang ginawang Direku figurine—kaya collector’s gold ito. 


S’yanga pala, si Direk Nijel ang President-CEO ng NDMplus.

Dahil special si Direku and another milestone ito for NDMstudios, dagsa ang mga artistang dumating sa paglulunsad ng limited edition commemorative figurine na ginanap sa Le Verre Café & Bar sa Sct. Torillo, Quezon City last Friday.


Present sina Arci Muñoz, Kim Rodriguez, Richard Quan, Robert Seña, Nico Locco, Anthony Ocampo, Direk Rahyan Carlos, Josh Yugen, Ynez Veneracion, Gene Padilla, Moymoy Palaboy, Chichirita, Arnold Reyes, at marami pang iba.


Bukod sa launch, ipinakita rin nila ang bagong milestone ng NDMstudios para sa 2025: ang NDMplus.


Ang NDMplus ay isang premium global streaming platform na dedicated para sa mga solid fans ng NDMstudios.


Nauna itong inilunsad sa Singapore noong October at simula noon, sunud-sunod na sila sa paggawa ng films at series. 


Nang dahil sa kanilang NDM Expo sa Singapore, nakipag-collab na sila sa international entertainment giants tulad ng Sony, AMC Networks’ Acorn TV, ALLBLK, HIDIVE, Shudder, Sundance Now, Crunchyroll, Tubi, Roku Channel, OUTtv, Rakuten Viki at marami pang iba. Bigatin, ‘di ba?!


Nagbigay din ng suporta si Annette Gozon-Valdes, Senior Vice-President ng GMA Network.


“We are here to show our support and appreciation sa creative collaborations ng NDMstudios with GMA and Sparkle,” sey ni Ms. Annette.


Nandoon din ang ibang big bosses ng NDMstudios at NDMplus—Executive Vice President Jan Christine, Chief Legal Counsel Atty. Jiji Jorge, at Board Member/Director Carlo Alvarez.


Good news sa collectors abroad, available rin ang Direku figurine sa Japan ngayong Christmas season hanggang early next year.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page