top of page

Mister ni Jennylyn, ang lakas daw ng trip… DENNIS, GINAYA SI PACQUIAO, FANS ALIW NA ALIW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5
  • 3 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 5, 2025



Photo: Dennis Trillo as Manny Pacquiao - FB


Tawang-tawa kami nang mapanood namin ang latest viral video ni Dennis Trillo na in-upload niya sa kanyang TikTok account, na ang title ay Mario Barrios, this one is for you!


Gamit ang effect na ‘Manny Good Looking’, nagmukha talagang si Manny Pacquiao si Dennis, na kuhang-kuha rin ang tono ng pagsasalita at nagpa-sample ng kanta na Sometimes When We Touch (SWWT) ni Dan Hill, na sa bandang huli ay ginaya rin ang pagsuntuk-suntok ni Manny.


Halos makabaliw din ang mga komento ng mga netizens na sobrang naaliw sa kanyang post.


“Paiyak-iyak pa ako sa Green Bones, ‘teh.”


“GMA, utang na loob, bigyan n’yo pa po ‘to ng sunud-sunod na projects para maging busy.”


“Nagkulong ka na naman sa CR. Huhuhu!”


“May special course ba para aralin takbo ng utak mo?”


“Doc, gising na po s’ya.”


“Lakas ng trip mo, Pareng Dennis!”


Pati ang asawa ni Dennis na si Jennylyn Mercado ay binulabog din ng mga netizens at sabi nila, “Jennylyn, please lang, ‘wag mo na ibigay ‘yung charger nito, lagi tuloy fully charged, eh.”


“Jen, nakahawak na naman s’ya ng phoneeeee!”


“At this point, baka puwedeng i-lock na lang ni Jen ‘yung pinto sa CR.”

Dagdag pa ng mga netizens, “Jusko, Dennis, dapat kinanta mo Para Sa ‘Yo Ang Laban Na ‘To.”


“Lupit mo, Dennis, pati si Pambansang Kamao, ‘di nakaligtas sa ‘yo.”

“Napa-double check tuloy ako, baka page nga ni Pacman ang na-follow ko.”

“Pambansang Green Bones.”


And speaking of Green Bones (GB), palaban si Dennis bilang Best Actor sa 8th EDDYS ng SPEEd na ang awards night ay sa July 20 at gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.


Nominated din ang GB sa walo pang categories kasama rito ang Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Supporting Actor, Best Cinematography, Best Production Design, Best Editing, at Best Musical Score.


Good luck and see you all at the EDDYS!



Nagluluksa na naman ang showbiz industry dahil sa pagpanaw ng kilalang columnist, talent manager, at TV host na si Manay Lolit Solis sa edad na 78 nitong July 3, 2025, na ilang taon ding nilabanan ang kanyang karamdaman.


Isa nga sa pinakamalapit kay Manay Lolit at anak-anakan na si Sen. Bong Revilla, Jr. sa mga unang nagparamdam ng labis na kalungkutan sa kanyang Facebook (FB) post ng isang praying hand emoji, na labis na ikinabahala ng kanyang mga followers.

Kinaumagahan ng July 4, nag-post na ng mapusong pamamaalam si Sen. Bong sa itinuring na ikalawang ina. Kasama ang series of photos, mababasa ang “Paalam, Nanay Lolit.


Pahinga ka na. Wala nang sakit; wala nang hirap. Sobra kitang mami-miss.

“Maraming salamat sa pagmamahal at pagkalinga. You have been a solid rock for me, a staunch defender, and most importantly – a mother who took care of me and my family up to your last days with us.


“Para akong nawalan ulit ng nanay. Napakalaki mong kawalan sa napakaraming taong nahaplos ng iyong pagmamahal, gayundin sa industriya to which you dedicated your entire life.


“Ang aming taos-pusong pakikiramay sa lahat ng iyong naiwan. Lahat kami ay nagluluksa. Mahal na mahal ka namin.”


Huli naming nakita at nakausap si Manay Lolit sa Alex III Tomas Morato nu’ng May 28, ilang araw after ng 78th birthday niya.


Mainit-init pang pinag-uusapan noon ang malungkot na sinapit ng kanyang alaga at pinakamamahal na senador noong nakaraang halalan.


Kaya nang kunan namin siya ng pahayag, maluwag naman niya itong natanggap, dahil ang opinyon niya, “‘Pag loser ka, loser ka talaga. Ang natutuwa lang ako, hindi naman ganu’n kalayo si Bong, number 14 s’ya. Ibig sabihin, marami pa rin s’yang followers.

“At kung titignan mo naman ang line-up ng mga nanalong senador, lahat okay naman. Tapos hindi naman ganu’n kalayo ang agwat ng boto ni Bong kay Lito.


“Pero sabi ko nga, sa buhay talaga, makakaranas ka ng pagkatalo. Mas mag-e-enjoy ka pa nga sa winning kung nakatikim ka ng talo. Kaya okey lang.”


Dagdag pang kuwento ni Manay Lolit na kitang-kita talaga ang pagmamahal kay Sen. Bong, “Sabi ko, baka sabi ni God, mag-alalay ka muna kay Lani. Ikaw muna ang magdala ng bag at mga dokumento ni Lani.


“Gustung-gusto ko ang ugali ni Bong, dahil very gentleman s’ya. Ang sabi pa n’ya, parang nominated ka lang sa Best Actor, may mananalo at may matatalo. Dahil talo ka, tanggapin mo.”

Bumuhos nga ang pakikiramay lalo na ang mga artista at taga-showbiz na naging malapit kay Manay Lolit, na ibinahagi ang kanilang ‘di malilimutang kuwento.

May she rest in paradise!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page