top of page

Mister ni Izzy, sobra na raw sa mga bading… BOY KAY ALVIN: ‘DI AKO PUPUNTA SA IMPIYERNO DAHIL MABAIT ANG DIYOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 26, 2026



Boy Abunda at Alvin Aragon - YT FB

Photo: Boy Abunda at Alvin Aragon - YT FB



Hindi nakatiis ang King of Talk na si Boy Abunda na mag-react sa naging pahayag ni Alvin Aragon tungkol sa LGBTQIA+ community at sa mga magulang na nagbibigay ng suporta sa kanila.


Knowing Kuya Boy na isa sa mga big supporters ng LGBTQIA+, hindi siya mananahimik na lamang sa mga ganitong panlalait at pagyurak sa kanilang pagkatao.


Sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay kinol-out ng King of Talk si Alvin at naglabas ng kanyang saloobin.


Talak ni Kuya Boy, “I’d like to be gracious to Alvin. He’s coming from a point of faith, kanyang paniniwala. Totoo ‘yung kanyang paniniwala.


“Pero para sa akin po, he crossed a line. Sumobra s’ya noong nagpangalan na s’ya ng mga magulang na ‘Tingnan mo sina K Brosas, Ian Veneracion, Gloc-9,’ na parang ‘di tama.


“In other words, what he was trying to say is hindi tama na ine-embrace nila ang kanilang mga LGBT children dahil hindi ‘yan nakasaad sa kautusan ng Diyos. To me, that was an overstretch. To me, that was wrong. To me, du’n sumobra si Alvin.


“I’d like to call him out dahil ang masakit, na para bagang sinasabi ni Alvin na ito ang tamang parenting style, tama kami dahil hindi namin pinapayagan, ‘di namin tinatanggap. As opposed to these people who chose to embrace and who continue to choose to embrace their children with love, with dignity, with kindness, with compassion.


“Alvin, you cannot impose your faith. You cannot impose your parenting style. You cannot impose yourself on us. Walang puwedeng magsabi sa amin, not you, not anyone. Kung iba ang iyong paniniwala, iba ang iyong faith, sobra ang paggalang ko sa ‘yo.


“As a matter of fact, pagdating nila dito, I found Izzy really beautiful inside and out. Alvin was so funny. We had a wonderful experience with them.


“Pupunta ba ako sa impiyerno because I am gay? At pupunta ba ang mga magulang na yumayakap sa kanilang mga anak with love and dignity?


“‘Di kami pupunta ng impiyerno because ako, I believe in a God who’s kind, I believe in a God who's compassionate, I believe in a God who is all understanding, I believe in a God na makikita ang aking kalooban.


“Sinabi ni St. John of the Cross, and listen, gusto ko itong pakinggan ni Alvin, ‘In the evening of life we will all be judged on love and love alone.’”

‘Yun na!



Sopla ang mga bashers ni Bea Alonzo na nagsabing hindi na siya bibigyan ng show ng GMA-7, dahil heto na’t sasabak na muli si Bea sa bagong serye sa Kapuso Network.

Lumabas na sa social media ang mga posts para sa bagong serye ni Bea na pinamagatang Whispers From Heaven (WFH).


Ang WFH ay isang political-thriller series directed by Zig Dulay and Jorron Lee Monroy.

Second-in-a-row na ito nina Bea at Direk Zig sa GMA-7. Una ay ang successful drama series nila na Widows’ War (WW).


Solo lead si Bea sa kanyang pagbabalik-serye sa Kapuso Network. Pero makakasama niya sa WFH sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Jason Abalos, Cassy Legaspi at Jake Macapagal.


Nag-post ang manager ni Tom na si Popoy Caritativo ng picture nila kasama si Bea sa Instagram (IG).


After Carla Abellana, ang kanyang ex-husband na si Tom naman ang makakatrabaho ng aktres. We wonder kung mapag-uusapan kaya nina Bea at Tom si Carla sa set.


Samantala, balik-acting si Maricar after eight years, at muli silang magkakasama ni Bea after 12 years. Nakatrabaho ni Bea si Maricar sa drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon (SBPAK) noong 2014.


Sisimulan ni Bea Alonzo ang Whispers From Heaven this year at mapapanood sa 2027.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page