top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister ni Ellen, ang chaka na raw… DEREK, MUKHANG MATANDA NANG MAGKA-BUHOK

BULGAR
May 26, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 26, 2022



Ang dating skinhead na si Derek Ramsay ay may hair na ngayon.


Pero, mukhang hindi bagay sa hunk actor ang may buhok.


Sa Instagram ng misis niyang si Ellen Adarna ay may posted photo ito kasama ang mister. May hair na si Derek, pero pakiwari namin ay parang wig lang ito.


May nagkomento na "Ay, bakit ganyan na ang looks ni Derek? Hehehe."


Sumagot ang seksing Bisaya aktres, "Bakit ganyan din ang looks mo? Hehehe."


Sey ng mga netizens, "Haha! Natawa ako sa comeback ni Adarna! At least, sila, mayaman, eh, si basher kaya?"


"Ang chaka ni Derek, anyare? Nawawala ang appeal niya 'pag may buhok, hahaha!"


"Nagmumukhang manong sa kanto na si Derek. Lol."


"Si Ellen, kahit 'di na um-effort sa camera, maganda na talaga. How to be you po?"


"Nakatingin na sa kisame 'yang si Derek kasi wala naman na siyang makikita sa dibdib mo, Elena... Charot!" pang-aasar naman ng isa.


"Ellen as always, yuckie and classless as ever, haha!"


"Mas yuckie at classless ka yata dahil secret fan ka ni Ellen at hindi mo matanggap. Tawagin mong yuckie kahit witty answer lang sa bastos na basher. Inggit 'yan, dear. Iligo mo lang 'yan, not Ellen."


Kaiba naman ang komento ng netizen na ito, "Ewan ko ba ba’t naaalala ko 'yung controversial Mayor Sanchez sa buhok ni Derek."


Hahaha, mukha nga!!!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page