top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister ni Carla, todo-displey ng katawan… SIGAW NG NETIZEN: TOM, MASYONDA NA PARA MAGPATAKAM

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 20, 2022



May bagong post si Tom Rodriguez sa kanyang Instagram account kung saan ibinibida niya ang maganda niyang pangangatawan.


Kaya lang, kahit halata sa aura ng aktor na naka-move on na ito sa nangyari sa kanila ng estranged wife na si Carla Abellana, may netizens pa ring galit sa kanya.


"I don’t like you anymore simula nu'ng kumanta ka sa last vid mo... Cringed. Lol," sey ng isang netizen.


Joke naman ang komento ng isa, "My husband’s lover," na title ng dating serye ni Tom with Carla at Dennis Trillo.


"Yummy naman, pero ano ba'ng gamit niyang phone? Haha! Parang Cherry ang quality ng front cam. Maganda na sa iPhone, eh."


"Tom Rodriguez is too old for thirst traps," mataray namang sey ng isa.


"Mas nakakahanga pa nga 'yung mga nasa 30's and 40's na maalaga pa rin sa katawan at physically fit. Most men would just let themselves go, mga dad bod."


In fairness, yummy naman ang body ni Tom.


May nagtanong naman ng "Babalik na ba siya ng showbiz?"


May sitsit kaming nasagap na naghahanda na nga raw bumalik ng 'Pinas ang aktor dahil nami-miss na nito ang showbiz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page