top of page
Search
  • BULGAR

MISTER NG AKTRES, NADIKIT LANG SA POWERFUL CELEB, SOBRANG ANGAS, PATI BIYENAN, SINISIGAWAN

ni Janiz Navida @Showbiz Special|November 21, 2023


BLIND ITEM:


Naloloka ang mga nakapaligid ngayon sa mag-asawang celebrity dahil sa napansin nilang napakabilis na paglaki ng ulo at pagbabago ng ugali ng mister ng aktres mula nang madikit ito sa isang powerful celeb.


Kung dati ay tahimik lang at misteryoso ang dating ng mister ng aktres, lumabas ang tunay na kulay nito at ang sobrang kaangasan nang madikit nga sa naturang powerful celeb.


Pero ang the height ng kaangasan ng mister ng aktres na hindi na kinaya ng mga nakapaligid sa kanila ay nang sigaw-sigawan ng guy ang kanyang biyenang-babae nang minsang magtalo sila.


Hindi raw nakapalag ang nanay ng aktres dahil galit na galit ang mister ng anak at dahil close nga ito sa isang powerful celeb, may takot din silang naramdaman sa puwedeng magawa ng maangas na guy.


Hay, ang tanong ngayon, kung hanggang kelan at saan mato-tolerate ng aktres ang ugali ng kanyang mister na pati ang nanay niya ay binabastos na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page