top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister, natukso lang daw sa iba… NETIZENS KAY CARLA: 'WAG MONG ISUSUKO SI TOM!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 28, 2022




Kahit hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mag-asawng Carla Abellana at Tom Rodriguez tungkol sa balitang may problema ang kanilang pagsasama, kumbinsido ang marami na may bahid ito ng katotohanan.


Posible raw na natukso si Tom sa ibang babae, pero, hindi naman dapat na humantong agad sa paghihiwalay.


Three months pa lang silang naikakasal at natural lang na may selosang nagaganap paminsan-minsan.


Seven years na naging magkasintahan sina Carla at Tom bago sila nagpakasal. Sa loob ng panahong 'yun ay nakilala na nila nang husto ang isa't isa. At ngayong mag-asawa na sila, dapat ay mas matibay na ang kanilang pagsasama.


Kadalasan, ang marriage ay tumatagal dahil sa pagdadala ng isang babae. Dapat na tanggapin ng misis kung anuman ang pagkukulang at pagkakamali ng kanyang mister. Hindi dapat na sumuko agad ang isang babae kapag may dumating na problema at pagsubok sa kanilang pagsasama.


Kaya naman, marami ang nagpapayo kay Carla na huwag basta i-give-up si Tom at ipaglaban ang kanilang marriage.


Ngayon masusubok kung gaano niya kamahal ang lalaking pinakasalan niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page