top of page
Search
  • BULGAR

Mister, nakabuntis daw ng iba… MADIR NI HEART, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NI SEN. CHIZ

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 10, 2022



Nagsalita na ang ina ni Heart Evangelista na si Mrs. Cecilia Ongpauco hinggil sa ilang linggo nang ispekulasyong hiwalay na ang anak at ang mister nito na si Sen. Chiz Escudero.


Sa ibinigay na statement ng ina ni Heart sa ABS-CBN, ipinahayag niyang ipinagdarasal na lang niya ang mag-asawa.


“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK! I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter,” pahayag ni Mrs. Ongpauco.


Sinabi rin niyang wala siyang alam hinggil sa mga issues na lumalabas tungkol sa relasyon ng mag-asawa.


“I have not spoken to anybody,” aniya.


Matatandaang nagsimula noong Agosto ang isyung may problema ang mag-asawa nang alisin ni Heart ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram.


Since then ay lumaki na ang issue at sumunod ngang napabalita na hiwalay na sila.


Nanganak pa ito nang nanganak dahil may tsika nang diumano ay may naanakang ibang babae raw si Sen. Chiz.


Sa gitna ng mga balita ay tuloy naman ang buhay para kay Heart base na rin sa kanyang mga posts.


Abalang-abala pa rin ito sa work although kapansin-pansin na wala siyang post tungkol sa mister.


Kamakailan ay umamin si Heart sa kanyang vlog na may pinagdaraanan siyang personal struggles.


“I am not gonna deny that I have been going through personal struggles. I feel a lot of pressure in my life. Basically now, I am really in a search for just being happy,” sabi ni Heart.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page