top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister, naghanap daw ng iba… HEART, TODO-RAMPA ABROAD, SEN. CHIZ, NAPABAYAAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 8, 2022



Dahil sa mga naglabasang posts ni Heart Evangelista sa social media na punumpuno ng hugot, umani ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens.


Aminado rin naman siya na may mabigat siyang pinagdaraanan sa kanyang personal na buhay ngayon.


May ilang nakikisimpatya sa kanya at nakaka-relate sa kanyang sitwasyon. Pero, may ilan naman ang sinisisi si Heart dahil sobra raw naging busy sa kanyang pagrampa sa mga fashion shows sa Paris at New York. Biyahe siya nang biyahe kaya bihira na silang magkita-magkausap ni Sen. Chiz Escudero.


Marami rin ang nakapansin na noong kasagsagan ng pangangampanya bago mag-eleksiyon noong Mayo, hindi man lang daw nakita si Heart na sinamahan ang kanyang mister sa paglilibot para mangampanya, samantalang ang ibang asawa ng mga kandidato ay sumasama sa campaign rallies.


Sobrang aligaga si Heart sa kanyang mga personal na interests at nakalimutan na may mga pangangailangan din ang kanyang mister. Masisisi ba niya si Sen. Chiz Escudero kung maghanap ng atensiyon at pagmamahal sa mga taong naglalaan ng oras para sa kanya?


Sabi pa ng ilang bashers, mas minamahal pa raw ni Heart at pinahahalagahan ang kanyang mga paintings at collection ng branded bags and shoes. Hindi niya namamalayan na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay ay unti-unti nang nawawala sa kanya.


Well, sana nga ay puwede pang ayusin ang marital problems nilang mag-asawa at puwede pang isalba. Sayang naman kung sa paghihiwalay hahantong ang lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page