Mister, nag-I love you sa IG… CARLA, 'DI NAG-REPLY NG I LOVE YOU KAY TOM
ni Nitz Miralles - @Bida |February 13, 2022

Ikinatuwa noon ng TomCar fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang pagla-like ng aktor sa post ng misis ng tattoo video nito.
Natuwa uli ang mga fans nang mabasa ang pag-a-“I love you” ni Tom sa post ni Carla ng photos from a photoshoot.
Bukod sa “I love you”, may three red heart emojis ang comment ni Tom na tamang-tama raw sa Valentine’s Day bukas.
Ilan sa mga comments na nabasa namin, “'Wag kang mapapagod suyuin ang asawa mo, love wins always,” “Please, you are one of the reasons why I still believe in love. Keep fighting,” “I love you both. Stay strong. Ito ang pinakamasayang nabasa ko ngayong araw na to,” at “Ito lang pala ang gamot ko, nawala ang sakit ng ulo ko, ang saya-saya.”
Naintindihan ng mga fans kahit hindi nag-“I love you back” kay Tom si Carla. Ang wish lang nila, sana ay maayos na ng dalawa kung anuman ang problema nila para masaya na uli sila. Sana raw, may sorpresa ang dalawa sa Valentine’s Day.





Comments