top of page
Search
  • BULGAR

Mister, nabuking... VLOGGER-ENDORSER NA KA-CHAT NI JOHN, HAHARAPIN NI PRISCILLA SA CEBU

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 31, 2023




Kaya naman pala panay ang pagpo-post ng mga makahulugang mensahe ng ex-beauty queen wifey ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa kanyang Instagram Stories ay dahil may pinanggagalingan ito.


Nakausap niya pala ang isa sa mga babaeng naka-chat daw ng aktor.


Napanood namin ang YouTube channel na Showbiz Philippines na may 1.71 M subscribers na ang babaeng tinutukoy daw ni Priscilla sa kanyang mga post ay nagngangalang Chiyo dela Vega na isang vlogger at taga-Mactan, Cebu.


Base sa kuwento ng Showbiz Philippines vlog ay si Chiyo raw mismo ang naglantad ng palitan nila ng mensahe ni Priscilla via Viber na ipinost nito sa kanyang Facebook account with 715, 000 followers at 153,000 likes.


Ngayon ay deleted na ang nasabing post sa Facebook, pero marami pa rin ang nakapag-screenshot at nakapag-save ng mga iyon.


Naglagay ng maaanghang na caption si Chiyo sa kanyang post na nakasulat sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin sa Tagalog ay, “Hoy Auntie, akala ko ok na tayo.. Tumikim lang ako ng isang beses, very light lang ‘yun at hindi na ako umulit kasi hindi masarap.”


Mukhang hindi naintindihan ni Priscilla ito kaya wala sa convo nila ni Chiyo.


Unang tanong ni Priscilla, “What kind of business do you have with my husband?” bukod pa sa ipinakilala na niya ang sarili bilang wifey ng aktor.


Sagot ni Chiyo, “Hello, good day Ma’am. We met John here in Cebu once when they had an event. Is there something wrong?”


Saka binanggit ni Priscilla na may nakita siyang usapan ng asawa at ni Chiyo na hindi appropriate at kaya niya nakuha ang numero ng vlogger.


Bagay naman na itinanggi ni Chiyo, “What conversation? I’m pretty sure na hindi po kami nag-chat. Hiningi lang po niya ang contact ko because of the event. Hindi po kami nag-chat, I swear.”


Sinabi nga ni Priscilla na married na si John at aware naman daw si Chiyo.


“What do you call a female that give her number/entertain a married guy?” tanong ng asawa ni John.


Sagot kaagad ni Chiyo, “Ask your husband. Thank you and have a nice day.”


Papunta naman ng Cebu si Priscilla sa April 6 at inimbita niyang magkita sila ni Chiyo with John.


“Going to Cebu this April 6, let’s meet, since you are friendly. Bringing the whole family including him,” paanyaya ni Mrs. John Estrada.


Simpleng sabi ni Chiyo, “Okay, Ma’am, thank you. Ingat.”


Ayon sa aming source ay nagkakilala sina John at Chiyo nang magkaroon ng motorcade ang FPJ’s Batang Quiapo sa Cebu City kung saan naroon si Chiyo bilang bahagi ng trabaho niya as vlogger at endorser.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page