Mister na tulak, huli sa akto

ni Maeng Santos @News | November 13, 2026

Photo: File
Mahigit P100K halaga ng shabu ang nasamsam sa 55-anyos na tulak umano ng droga matapos maaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng madaling-araw.
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit hinggil sa umano'y illegal drug activities ni alyas Mate, ng Brgy. Ugong.
Isinagawa ng SDEU ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLt. Sherwin Dascil, sa koordinasyon sa PDEA.
Sa senyas ng poseur buyer na positibo ang transaksyon, agad na inaresto ng mga back-up operatiba ang suspek alas-3 ng madaling-araw sa kanto ng Feliciano at Que Balag Sts., Brgy. Ugong.
Nakuha sa kanya ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, at buy-bust money.





Comments