top of page
Search
BULGAR

Mister na si Archie, kinasuhan ni Rita ng acts of lasciviousness… SIGAW NI GEE: LALABAS DIN ANG TOTOO SA TAMANG PANAHON

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 19, 2024



Photo: Gee Canlas - FB


Nagbigay ng pahayag si Gee Canlas, ang misis ni Archie Alemania, sa social media matapos sampahan ng kasong acts of lasciviousness ni Rita Daniela ang kapwa Kapuso artist.


Ayon sa post ni Canlas, ang katotohanan ay hindi kailangang ipilit dahil lalabas din ito.

Itinanggi ni Archie ang mga paratang ni Rita at nakipag-ugnayan na siya sa abogado para sa counter-affidavit.


Makalipas ang dalawang linggo mula nang umabot sa publiko ang isyu, nag-post si Canlas nitong linggo, Nobyembre 17, ng isang mensahe na may black background. 


Sa kanyang post, sinabi ni Canlas, “The truth doesn’t need defending; it speaks for itself.”

Dagdag pa niya, “All will be answered in due time.” 


Sa ngayon ay naka-freeze ang actor sa Kapuso Network. Agad-agad siyang tinanggal sa isang serye kung saan magkasama sila ni Rita Daniela.


 

Ifinlex ni Andi Eigenmann ang napakagandang picture ni Ellie, ang kanyang eldest daughter kay Jake Ejercito, sa kanyang Instagram (IG) account.


Napakagandang bata ni Ellie kaya maging ang ina ay hindi mapigilang hangaan ang anak.


Aniya sa isinulat niyang caption: “The girl was looking really lovely. The once little girl has now blossomed into a fine young lady and her glammed-up look is one worthy of being a cover on a magazine.


“My bb (baby) is a lady [heart eyes].”


Hindi naman kasi maitatanggi na tulad ng kanyang ina, napakaganda rin ni Ellie, lalo na ngayong nagdadalaga na siya.


Si Ellie ang naging bunga ng pagmamahalan nina Andi at Jake Ejercito noon. Though maraming sigalot na nangyari sa kanilang relasyon, kung saan may mga nadamay pang tao sa parte ng aktres, ay nalampasan na rin nila ang mga ito.


Maganda ang pagpapalaki nina Andi at Jake kay Ellie dahil co-parenting silang dalawa. Kay Andi pa rin nakatira si Ellie, but there’s a time na may bonding moment din ang mag-ama.


Sigurado, hindi lang sa isang magazine mako-cover ang teen-ager na si Ellie.

Ang tanong, papayagan kaya nina Andi at Jake na pasukin ng kanilang anak ang showbiz?


Masuwerteng bata si Ellie dahil kahit may bago nang pamilya ang ina ay hindi siya pinabayaan nito. Longtime live-in partners sina Andi at Philmar Alipayo but they are engaged now at may dalawa na ring anak.


Itinuring na ring anak ni Philmar Alipayo si Ellie kaya very thankful and grateful si Jake Ejercito sa international surfing champion.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page