top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mister, mula nang maging senador… MARIEL, UMAMING MAS MARAMI ANG LUMALAPIT KAY ROBIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2022
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 29, 2022



Kahit na senator’s wife na siya, ipagpapatuloy pa rin daw ni Mariel Rodriguez ang kanyang live selling ng mga pre-loved items niya.


“Wala namang nagbago, eh,” sey niya sa tsikahan namin sa kanya sa presscon ng bago niyang show sa AllTV na M.O.M.S. (Mhies on a Mission).


“Hindi naman sa pag-aano, it’s not as if hindi mo na kailangang magtrabaho. Kasi mas more pa ngang kailangang magtrabaho kasi mas maraming nanghihingi,” sey niya.


Ikinorek nga niya ang maling iniisip ng ibang tao na nakakaluwag-luwag na sila ngayon porke’t senador na si Robin.


“Akala yata nila, nakaangat-angat sa buhay, nasaan? Hindi ko po nararamdaman!” sambit ni Mariel.


Besides, sey niya ay sobrang nae-enjoy daw niya ang pagla-live selling dahil para na rin nga naman kasi siyang nagho-host ng show.


Matagal ding na-miss ni Mariel ang pagho-host kaya naman happy siya na mayroon na ulit siyang TV show ngayon, ang M.O.M.S. with Ruffa Gutierrez and Ciara Sotto na umeere mula Lunes hanggang Biyerns, 11 AM to 12 NN sa AllTV Channel 2.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page