top of page
Search
  • BULGAR

Mister, may babae rin daw… KALAT NA: KYLIE, BINUBUGBOG NI ALJUR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 27, 2021





Sa kasalukuyang sitwasyon ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica, marami ang labis na nanghihinayang at nagpapayo na ayusin at pag-usapan nila ang kanilang problema bago magdesisyon na maghiwalay, lalo na't may dalawa silang anak na tiyak na madadamay at maaapektuhan.


Magiging trauma sa kanilang mga anak ang pagiging produkto ng broken family. Iba pa rin kapag buo ang pamilya na magiging gabay nila sa kanilang paglaki.


Ayon sa ilang long-time married couple, ang itatagal ng isang marriage ay nakasalalay sa wife, hindi sa husband. Dapat na mas mahaba at malawak ang pang-unawa at pasensiya ng isang babae kapag siya ay nagdesisyon na magpakasal sa lalaking minahal niya.


Maraming trials ang kanyang haharapin lalo na kapag nagkaanak na siya. Nasa kanyang mga balikat ang malaking responsibilidad upang manatiling maligaya at matatag ang kanyang pamilya. Kailangan ng ibayong tapang at tibay ng loob alang-alang sa kanyang mga anak.


“Marriage is not a bed of roses” 'ika nga, at dapat ay alam ito ni Kylie bago siya nagpakasal kay Aljur.


For sure, kilalang-kilala na niya ang ugali at pagkatao ni Aljur dahil apat na taon na ang kanilang relasyon.


Kung pinansiyal lang ang kanilang problema, puwede naman nila itong pagtulungan upang sila ay maka-survive. Unless, totoo ngang binubugbog siya at nambababae raw si Aljur tulad ng nababalita.


Ibang usapan na 'pag ganito ang sitwasyon. At nasa kamay na ni Kylie ang kahihinatnan ng marriage nila ni Aljur.


Sa ngayon, balak munang magpahinga sa showbiz ni Kylie habang inaayos ang kanyang marital problem. Hindi muna siya tatanggap ng mga showbiz commitments at pag-iisipan ang kanyang susunod na gagawin. Kailangan muna niya ng space para makapag-isip-isip.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page