top of page

Mister, lucky daw sa kanya… JESSY, AMINADONG JACKPOT KAY LUIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 28, 2026



FRANKLY - JESSY, AMINADONG JACKPOT KAY LUIS-FB Jessy Mendiola

Photo: FB Jessy Mendiola



Humihiling na ng pangalawang apo si Gov. Vilma Santos sa panganay niyang anak na si Luis Manzano at sa misis nitong si Jessy Mendiola.


Sa pilot episode ng pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) last Saturday ay sina Ate Vi at Jessy ang naglaro bilang suporta kay Luis na siyang host ng naturang show.


Nagkaroon din ng birthday special si Lucky sa show bilang katatapos lang ng kanyang kaarawan.


Bukod sa wifey at momsky ni Luis ay um-appear din sa stage ang anak nila ni Jessy na si Isabella Rose o Peanut.


Nang mahingan ng message si Ate Vi for Lucky, dito na siya humirit na sana ay masundan na si Peanut.


“Alam n’yo naman ho na si Lucky is ‘I love you, Lucky,’ siya ho ang nag-umpisang ikumpleto ang buhay ko. Ngayon, meron na siyang ‘I love you, How-how and Peanut.’


“Pero kung meron akong special request para sa kanya at panalangin ko sa Panginoon, sana, madagdagan na si Peanut,” sey ng Star for All Seasons.


Napatili si Jessy habang natawa si Luis sa sinabi ni Ate Vi. Nagkatawanan lahat.

Sey ni Luis sa misis, “Parang mas mahirap pa ‘yun kaysa pagpili ng briefcase. Mas na-pressure ka nang konti.”


Sagot ni Jessy, “Hindi, gusto ko na rin naman.”

Nanlaki ang mata ni Luis at sinabing, “Eh, bakit pa tayo nagte-taping?”

May heartfelt message rin si Jessy para sa kanyang mister.


“S’yempre, alam mo naman, mahal na mahal kita. Nagpapasalamat lang din talaga ako kasi palagi na lang sinasabi, ‘Uy, grabe, Lucky, ang lucky mo naman kay Jessy.’ Pero ang totoo po n’yan, ako talaga ang lucky,” sey ni Jessy.


Patuloy niya, “Si Luis, bukod sa s’yempre, napakapogi, napakaganda ng katawan, at alam po nating lahat, napakagaling na host, ang ating Pambansang Host.


“Isa kang mapagmahal na tao, sobrang generous mo, you are very talented. And all I can say is I am proud to be your wife,” ang mensahe pa ni Jessy sa kanyang hubby.


As for Luis’ birthday wish, aniya, “Wish ko is, s’yempre, uunahin ko ay ang kalusugan ng aking pamilya at kalusugan ninyong lahat. At sa dami-dami ng nangyayari, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, ituluy-tuloy natin ang pinaka-kailangan ng mundo ngayon — ang pagmamahal.”





TALAGANG nagdiwang ang mga fans ng CapEath o Caprice Cayetano at Heath Jornales sa announcement ng GMA Network sa gagawing serye ng dalawang young artists.


Nitong Sabado ay pormal nang ibinalita ang kauna-unahang TV project na pagtatambalan ng dalawa — ang romantic drama series na You’re My Favorite Song (YMFS).


Mapa-bagets o young-at-heart man, pinusuan ng maraming netizens ang ayudang ito mula sa CapEath tandem.


“CapEath na CapEath na. Ang mga titas very excited,” say ng isang netizen.

“Pinaka-good news narinig ko today,” ayon pa sa isa.


“Ang sarap sa eyes makita ang CapEath,” comment naman ng isa sa official post ng Kapuso PR sa Facebook (FB).


Makakasama ng CapEath ang kanilang fellow Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 (PBBCCE2.0) alumni at kapwa Sparkle artists na sina Marco Masa at John Clifford.


Ito ay sa ilalim ng GMA Public Affairs na marami na ring nai-produce na hit TV series tulad ng Lolong, Black Rider (BR), at My Ilonggo Girl (MIG).


This year daw mapapanood ang seryeng ito pero ngayon pa lang, abangers na ang CapEath shippers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page