Mister, kasama sa promo… DINGDONG, TAGA-DELIVER NG NEGOSYONG BULAKLAK NI MARIAN NGAYONG V-DAY
- BULGAR

- Feb 14, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 14, 2021

Pinakilig nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang mga fans sa mga inilabas nilang litrato sa pre-Valentine’s Day bonding nila kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto.
Hindi binanggit ng dalawa kung saan sila nagbakasyon, pero may pool at maraming puno sa paligid. Malalaman natin kung saan sila nagbakasyon pagbalik na siguro nila.
Nakakatuwa na hindi lang sina Dingdong at Marian ang nag-enjoy sa kanilang bakasyon kundi pati sina Zia at Sixto. Sa IG Stories ni Dingdong, mapapanood na nagsasayaw sina Marian at Zia at si Sixto naman, enjoy sa swimming.
In fairness, every year ito ginagawa ng DongYan at itinutuloy lang, kaya hindi puwedeng sabihin na kaya lang nila ginawa dahil sa lumabas na tsismis kay Dingdong.
Samantala, may Valentine’s treat si Marian Rivera at ang FloraVida by Marian sa mga nag-order ng flowers for Valentine’s Day today at sa mga tatanggap ng flowers. Tingnan n'yo kung sino ang delivery man at baka si Dingdong ‘yun, special treat ito ng mag-asawa sa mga customers ng FloraVida by Marian.
Still on Dingdong, inspiring stories ang mapapanood sa Amazing Earth, ang infotainment program sa GMA-7 na kanyang hino-host. Stories na pang-Valentine’s Day ang ibibigay ni Dingdong na pupusuan ng mga Kapuso viewers.





Comments