Mister, kanyang-kanya lang daw… LANI KAY BONG: HINDI KITA IPAMIMIGAY, SORRY SA KANILA!
- BULGAR
- Apr 4, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 4, 2023

Speaking of Congw. Lani, she’s celebrating her 55th birthday on April 13 at wala raw siyang ibang wish pa kundi puro pasasalamat lang sa lahat ng mga blessings.
Pero kung may wish man siya, ito raw ay good health para sa kanyang buong pamilya.
"Saka, siyempre, mas maging healthy si Sen. Bong kasi lately, medyo ang daming mga operasyon. Health for the whole family," she said.
Natanong si Sen. Bong kung ano ang birthday gift niya sa misis at biro niya, "Ang aking katawan."
Nang matanong naman si Congw. Lani kung ano ang gusto niyang gift from her husband, aniya ay "Quality time."
Ayaw na niya ng katawan ni Sen. Bong?
"'Wag na," pabiro nitong sambit.
Sey naman ni Sen. Bong, "Ipamimigay mo na lang ang katawan ko?"
Sagot naman ni Lani, "Hindi kita ipamimigay, sorry sa kanila. I will not give you away, only for me. Only me."
Tawanan.
Sa kanyang kaarawan ay marami raw silang handog para sa mga taga-Bacoor. May free concert sa April 14 at dahil 55 na siya ay mamimigay sila sa mga constituents ng 55 libreng pustiso, 55 wheelchairs, 55 na hair makeover, 55 na tig-P2,000.00 at may iba’t ibang pa-contest din.





Comments